REVEALED: Marian hinted at whether Dingdong would be willing to be a senator or not?/hi

REVEALED: Marian hinted at whether Dingdong would be willing to be a senator or not?

Marian, �di sinagot kung payag mag-senador si Dingdong

Walang direktang sagot si Marian Rivera kung favor siya o hindi  sakaling mag-pulitika ang mister niyang si Dingdong Dantes.

Ang daming offer kay Dingdong na kumandidato, congressman and senator, pero hindi pa nakukumbinsi ang actor at maging si Marian daw.

Pero say ng aktres sa programa ni Kuya Boy Abunda na Fast Talk, “Isa lang ang parating nasa isip ko, mabuting tao kasi ang asawa ko,

“At talagang alam man nila o hindi nila alam, ‘yung asawa ko talaga is mahilig tumulong sa kapwa-artista niya, sa ibang tao. At alam kong pure ‘yung love niya at ‘yung pagtulong niya na wala siyang hinihinging kapalit. So, ‘yung asawa ko, ganu’n ko siya nakikita,” dagdag pa ni Marian.

Pero kung babalikan ang mga naunang interview ng actress ay sinabi naman niya na willing siyang suportahan anuman ang maging desisyon ni Dingdong.

Na kung sa iba lang namang kandidato, mas qualified si Dingdong.

Samantala, umpisa na ngayong araw ang pagpapalabas sa mas maraming sinehan ng pelikulang Balota na nagbigay ng Best Actress Award kay Marian sa Cinemalaya Film Festival.

Pero new cuts daw ito ay kumpara sa naunang ipinalabas.

Isa sa Cinemalaya Bente’s Box Office Hits, napapanahon ang pelikula na nagbibigay liwanag sa dedikasyon ng mga guro sa mga susunod na henerasyon at sa kanilang papel sa pangangalaga ng mga boto ng publiko sa panahon ng halalan.

The film is written and directed by Kip Oebanda.

Ang satirical movie, na pinaghalong suspense, thriller, at comedy, ay nagsasalaysay ng kuwento ng isang land-grabbing tycoon at former male sexy actor, who are locked in a tight race for the mayoral seat of a small town.

Nang sumiklab ang karahasan sa gitna ng halalan, si Emmy (Rivera), isang guro, ay natagpuang tumatakbo na may dalang ballot box. Ito ang huling kopya ng mga resulta ng halalan, na siyang susi sa integridad ng halalan. Kasama ng iba pang komunidad, sinisikap ni Emmy na daigin at lampasan ang mga goons na manabotahe sa halalan.

“Hindi ko mapaliwanag ‘yung pakiramdam ko after kong matapos ‘yung  Balota, parang palagi kong sinasabi lalo na sa asawa ko na, alam mo ‘yung ang tagal ko sa showbiz pero parang bumalik ulit ‘yung fulfillment ko sa sarili ko sa paggawa ng trabaho,” she said.

Dito nga nakuha ni Ma­rian ang kanyang first-ever Balanghay trophy from Cinemalaya –  na inalay niya sa matulad ni  Teacher Emmy.

“Posible pa pala. Pero higit sa award, ang regalong natanggap ko ay ang muling pagliyab ng aking pagmamahal sa paggawa ng pelikula, dahil sa inspirasyong ibinigay sa akin ng Cinemalaya community,” Rivera pens in her Instagram account after receiving her first acting award.

Nauna nang tumanggap si Marian ng  Box-Office Hero award at the 7th Eddys (The Entertainment Editors’ Choice) Awards.

Oebanda, on the other hand, is behind the highly-acclaimed film Liway, which, after winning the Special Jury Commendation at the 2018 Cinemalaya Film Festival, earned various awards at the 2022 Filipino Arts & Cinema International (FACINE) Film Festival in San Francisco, United States, inclu­ding gold recognitions for the film, direction, and story. He also co-produced and directed another notable film, Bar Boys.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News