REVEALED: Donny Pangilinan questions: Has TV lost its appeal to audiences in the digital age?/hi

GG ni Donny, hindi natinag ang Mallari ni Piolo sa Netflix

Donny Pangilinan, pang-TV pa lang ang lakas ng hatak sa viewers?

donny pangilinan piolo pascual netflix
GG (Good Game), starring Donny Pangilinan (left), begins streaming on Netflix; Mallari, starring Piolo Pascual (right), maintains its position as No. 1 movie.

Hindi natinag ang Mallari sa top spot ng Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix kahit streaming na rin ang GG Good Game.

Six consecutive days nang No. 1 sa Top 10 Movies ng Netflix PH ang first ever horror movie ni Piolo Pascual — mula Hunyo 23, 2024, Linggo, hanggang Hunyo 28, Biyernes.

piolo pascual in mallari

Isa iyon sa sampung official entries ng 49th MMFF. Pangalawa iyon sa Rewind bilang pinakamalakas na Filipino movie sa takilya last year.

Nag-debut sa pangatlong puwesto ang GG Good Game na pinagbidahan ng mag-inang Donny Pangilinan at Maricel Laxa.

Subaybayan natin kung hanggang kailan ang pamamayagpag ng Mallari, at kung magiging better ang puwesto ng pelikula ni Donny.

donny pangilinan good game

Donny Pangilinan in GG Good Game

UPCOMING MOVIES ON NETFLIX

Sa Hulyo 4, Huwebes, ay streaming na sa Netflix PH ang 3 Days 2 Nights in Poblacion nina Jasmine Curtis-Smith, Barbie Imperial, at JM de Guzman.

Hulyo 9 naman ang streaming ng horror-comedy na Pagpag 24/7 starring Jerald Napoles, Wilbert Ross, Danita Paner, Nicco Manalo, at Nikko Natividad.

At sa Hulyo 19 ay streaming na ang Moro kung saan tampok din si Piolo Pascual, kasama sina Laurice Guillen, Baron Geisler, at Christopher de Leon, sa direksiyon ni Brillante Ma. Mendoza.

piolo pascual joel torre moro

Piolo Pascual and Joel Torre in a scene from Moro

Nasa cast din ng Moro sina Joel Torre, Beauty Gonzalez, Felix Roco, Ina Feleo, Nikki Valdez, at Dido de la Paz.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Mallari, Trigger Warning, GG Good Game, Dawn of the Dead, Madame Web, Kiss The Girls, Rush Hour 3, Outbreak, Monster-in-Law, at Minions: The Rise of Gru.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Demon Slayer, The Secret of Us, Miss Night and Day, Kaiju No. 8, Hierarchy, Bridgerton, Rising Impact, Queen of Tears, The Atypical Family, at Sweet Tooth.

Salamat na lang at may streaming platforms din para yung mga pelikulang hindi gaanong nag-perform well sa box office ay magkaroon pa ng chance na mapanood ng dagdag na tao.

Katulad na lang ni Celeste Legaspi na ang sabi’y, “Just watched GG GOOD GAME on Netflix. [Donny] Pangilinan’s first film that he produced. Excellent and engrossing.

“It was about gamers — something I know nothing about. But I was taken by the story, the performances by all .. specially [Donny].. a sensitive actor .. the prod design, the cinematography, the script, the editing. I highly recommend to all”

Marahil, hindi napanood ni Celeste ang pelikula ng kanyang kasamahan sa Can’t Buy Me Love sa sinehan, at heto ang kanyang pagsuporta kay Donny thru the streaming service.

Ngayon, may choice na talaga ang mga manonood. Pero hangga’t kaya, panoorin pa rin sa sinehan.

Iyan ang hangad natin para sa ating industriya ng pelikulang Pilipino.

donny pangilinan belle mariano can't buy me love

Belle Mariano and Donny Pangilinan in Can’t Buy Me Love

Noong sinubaybayan ko ang Can’t Buy Me Love, paulit-ulit kong sinasabing si Donny Pangilinan talaga ang nagdala ng teleseryeng ito. Consistent ang galing niya rito.

Sa bandang huli lang ako natuwa kay Belle Mariano, kasi parang hindi ako nababagayan sa kanya sa role na ginagampanan niya. Mabuti at may chemistry sila ni Donny kaya maganda ang tambalan nilang dalawa.

Nang ginawa nila ang pelikulang An Inconvenient Love, sa unang araw lang ang lakas nito sa takilya, pero hindi nila na-maintain.

May ginawang so-so na movie si Belle na hindi niya prinomote, kaya basta na lang dumaan sa mga sinehan.

Ngayon itong GG The Movie na pinagsama-samang iprinodyus ng pamilya ni Donny, hindi rin maganda ang kinalabasan sa takilya, at hinihintay pa sa Netflix kung sasampa sa No. 1 trending.

Kaya sa ngayon ay puwede pa natin masabing pang-TV ang lakas ni Donny, at kahit si Belle.

Kailangan pa sigurong maghanap ng mas swak na material para magkaroon sila ng hit na pelikula.

Makakamit naman nila iyan dahil magaling ang dalawang batang ito, lalo na si Donny Pangilinan.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News