Jalosjos Brothers Idedemanda Ang Ilang Personalidad Na May Utang Sa Tape Inc.


Magkapatid na mga Jalosjos may ibinulgar hinggil sa mga malalaking personalidad na mayroon pang mga malalaking utang sa TAPE incorporated. 

At sa mga mga darating na araw ay sasampahan na daw nila ng kaso ang mga ito.

Ang utang na tinutukoy umano ng mga Jalosjos ay ang mga advance payments umano ng mga tao sa kanilang opisina na malalaking halaga.

Ang isang personalidad daw sa nag-advance ay nasa 15million pesos ang kinuhang halaga, at ito din daw ang pinakamababang halaga na kanilang inilabas.

Ang ibigsabihin lang nito ay masmalalaking pera pa ang nai-advance ng iba pang mga personalidad na hindi pa nila pinapangalanan sa ngayon.

Sa isang exclusive interview ng magkapatid na Jalosjos sa Pep.ph ay tila maslumalaki nga ang gusot na dapat nilang ayusin.

Kung iisipin mo ay malalaking tao din itong mga tinutukoy ng mga Jalosjos na may cash advances sa kanilang kompanya, dahil kung hindi ito malalaking tao ay hindi ito makakapag advance ng mga ganoong kalaking halaga.

Kung matatandaan ay nabanggit na ito ni Tito Sen sa isang panayam, na isa daw sa mga inaasikaso ng bagong CEO ng TAPE incorporated ay ang mga nawawalang mga pera ng kompanya.

Ngunit deritsahang pinangalanan ni Tito Sotto ang taong kanilang pinaghihinalaan, at ito nga ay ang dating Chairman at CEO ng TAPE na si Romeo Jalosjos na siyang ama ng magkapatid na mga Jalosjos.

Ang ibigsabihin lang nito ay ang nais iparating ni Tito Sen na hindi sa mga taong nagcash advance napunta ang pera kundi sa mismong ama ng mga magkakapatid na mga Jalosjos.

Ngunit sa mga naging panayam ng magkapatid na Jalosjos ay tila taliwas ito sa kanilang nalalaman, at tila sa mga salita ng magkapatid at parang natukoy na nila kung sino-sino ang mga taong may-utang sa kanilang opisina.

Samantala, sa ngayon daw ay hinihintay na lamang ng mga ito ang resulta ng pag-audit at ng mga patunay, bago sila humakbang sa usaping Legal.