Actor na si Vhong Navarro, sumalang na sa proseso sa NBI
Sumalang na sa proseso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si Vhong Navarro tulad ng pagkuha ng kanyang personal na detalye, finger printing at pagkuha ng mugshot.
Kabuuang Php 36,000 ang halaga ng piyansa ang itinakda ng korte sa aktor para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pagkatapos ng proseso tutuloy na sa korte ang mga dokumento at saka babayaran ang piyansa.
Bulontaryong nagtungo sa NBI ang aktor para isuko ang sarili.
Kasunod ito ng pagpapalabas ng warrant of arrest ng Taguig Metropolitan Trial Court branch 116 kaugnay sa kanyang kinakaharap na kasong acts of lasciviousness.
Vhong Navarro nailipat na sa Taguig City Jail
Tuluyan ng nailipat sa Taguig City Jail ang actor na si Vhong Navarro mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kinumpirma ito ng kaniyang abogado na si Atty. Maggie Garduque na nailipat na ang actor sa nasabing kulungan nitong hapon ng Lunes.
Dagdag pa ni Garduque na nag paglipat ng actor sa Taguig City Jail ay bilang pagsunod sa kautusan ng korte na noong Nobyembre 7.
Bago ang paglipat ng actor ay sumailalim ito sa mandatory medical examination, RT-PCR test bilang health protocols.
Magugunitang nahaharap sa reklamong panggagahasa ang actor mula sa model na si Deniece Cornejo noong Enero 2014.