Cristy Fermin Hinamon Si Karla Estrada, ‘Magharap-Harap Tayo!’

Hinamon ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin si Karla Estrada na magharap sila kasama ang kanyang source upang mapag-alaman kung sino ang nagsasabi ng katotohan hinggil sa isyung naghiwalay na ang KathNiel.
Matatandaan na sa isang episode ng Showbiz Now Na, pinanindigan ni Manay Cristy Fermin na totoong naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sinabi pa noon ni Manay Cristy Fermin na nagmula mismo sa bibig ni Karla Estrada ang balitang ito.
“Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?”
Kaagad naman itong sinupla at pinabulaanan ng celebrity mom na si Karla Estrada sa pamamagitan ng kanyang Facebook post. Tahasang ipinahayag ni Karla na walang katotohanan ang isiniwalat ni Cristy Fermin.
Iginiit din ni Karla Estrada na kailanman ay hindi niya panghihimasukan ang buhay pag-ibig ng kanyang anak.
“Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay hindi ko panghihimasukan o pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak po.”
Gayunpaman, ipinahayag ni Cristy Fermin na hindi naging malinaw ang sagot na ito ni Karla Estrada at hindi rin umano specific kung ano ang itinanggi nito.
“Very vague po ‘yung kanyang post. Hindi natin alam kung ano ‘yung pinasisinungalingan niya. Wala bang katotohanan na siya ang naglantad ng paghihiwalay ng kanyang anak at ni Kathryn o walang katotohanan na hiwalay na? Dalawa ‘yun,” saad ni Cristy Fermin.
Dagdag pang pahayag ni Cristy Fermin, “Pero ang buong akala ng mga KathNiel na tagahanga, hindi siya ang naglantad nung balita at hindi rin hiwalay si Daniel at si Kathryn.”
Hinamon pa ni Manay Cristy Fermin si Karla Estrada na mas mabuting magharap-harap sila kasama ng kanyang source upang magkaalaman na sa totoong nangyari.
“Hindi na ako makikipag-argumento pa. Ang pinakamaganda diyan, magharap-harapan kami ng aking source saka siya. Magkita-kita kaming tatlo,” pahayag ng kolumnista.
Dagdag pa nito, “Kaya sa panahong ito, hinahamon ko si Karla Estrada para malaman nating kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayong maghahara-harap.”
Humirit naman ang kasamahan nitong si Romel Chika, “Tama… para matapos ang kwento, maisarado ang libro.”
Binigyan pa ni Cristy Fermin ng isang palaisipan si Karla Estrada sa kung sino sa mga kaibigang pinagsabihan niya ang kumanta sa kanyang source.
“Sino sa mga sources na pinagsabihan niya na naghiwalay ang anak niya at si Kathryn ang kanyang naiisip na nakapagparating sa akin ng mensahe?”
“Sa ngayon ang hindi niya malaman, sino sa mga sources o sino sa mga kaibigan niyang pinagsabihan ang nakapagparating sa atin ng kwento.”
Sa ngayon ay hindi pa sinasagot ni Karla Estrada ang hamon ni Cristy Fermin sa kanyang maghaharap-harap sila kasama ang sinasabing source upang lumabas na ang katotohanan at matapos na ang isyung hiwalayan ng dalawa.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load