Netizens were shocked and worried when they heard that some It’s Showtime hosts had accidents because of…

Ilang It’s Showtime hosts, naaksidente dahil sa “Magpasikat”

It’s Showtime hosts, kinakarir ang “Magpasikat.”
it's showtime hostsIt’s Showtime celebrates its 15th anniversary via “Magpasikat,” the annual production numbers of the hosts, starting this October 21, 2024.Talagang kinakarir ng It’s Showtime hosts ang performance nila sa “Magpasikat” bilang selebrasyon ng 15th anniversary ng Kapamilya noontime show na magsisimula ngayong Lunes, October 21, 2024.

Kakaiba ang ipinapakita nila taun-taon, at ngayon ay gusto nilang higitan ang ipinakita nila last year.

Dahil dito, at risk maging ang safety nila.

ACCIDENTS DURING REHEARSALS

Sa halos araw-araw na rehearsals nila, naaaksidente na ang ilan sa mga host.

Sa media conference ng SB90s reunion dance concert ng Streetboys nung Linggo, October 20, ikinuwento ng It’s Showtime co-hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na naaksidente sina Kim Chiu, Amy Perez, at maging si Jhong.

Hindi lang nila idinetalye kung ano ang nangyari dahil surprise ang mapapanood sa kanila.

Ipinakita sa akin ni Jhong ang Band-Aid tape sa isang daliri niya at sa siko.

“Meron kasing machine na gagamitin, na medyo dangerous siya kasi… ayoko muna sabihin. Pero from circus kasi yung machine na yun.

“So, medyo delikado siya, medyo mahirap siyang gawin. Medyo hindi maiwasan na maaksidente,” kuwento ni Jhong.

Dagdag niya, “We’re doing this for madlang people talaga. We’re doing this para makakita sila ng kakaiba, para naman in 15 years may makita silang bago.

“Kaya nga sobrang thankful ako kay God kasi… well, nagpe-pray naman kami before the practice.

“Kaya thankful ako na ito lang yung inabot ko, and siguro kailangan lang talaga namin mag-ingat.”

Hindi na tinapos ni Jhong ang mediacon dahil kailangan na niyang umalis para sa kanilang rehearsal.

Ka-team niya sina Cianne Dominguez at Jackie Gonzaga, na hindi pa raw naka-experience mag-champion kaya talagang bigay na bigay sila rito.

“Siyempre, huling araw nila kaming makikita, so siyempre kailangan namin galingan,” sabi pa ni Jhong dahil sa Friday pa sila magpe-perform.

team jhong magpasikat

Kailangan daw niya talagang mag-ingat dahil pinaghahandaan din niya ang kanilang SB90s reunion dance concert ng Streetboys, na gaganapin sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, sa November 8.

Humabol din si Ogie Alcasid sa mediacon ng Streetboys, dahil ang A Team niya ang producer ng reunion dance concert.

Kagagaling lang din niya ng rehearsal para sa “Magpasikat” ng It’s Showtime, kung saan ka-team naman niya sina Kim Chiu, MC, at Lassy.

Bukas, Martes, Oktubre 22, sila magpe-perform.

team ogie magpasikat

KIM’S ACCIDENT

Natakot daw talaga sila kay Kim nang naaksidente ito sa kanilang rehearsal. Isinugod daw ito sa hospital.

Pero okay na raw siya ngayon, at bumalik na sa kanilang rehearsal nung Linggo.

“Okay naman, na-CT scan naman siya,” pakli ni Ogie.

“Hindi ko puwedeng i-explain kung ano ang nangyari sa kanya. Pero sobrang… yung gabi na yun, medyo… sinamahan ko siya papunta dun sa ambulansya, tapos mag-isa na siya.

“Madaming nasasaktan. So… wala, e, ganun talaga, e. Medyo matindi.

“Pero buti na lang she’s okay. Nasaktan talaga siya.”

Sabi nga ni Jhong, lahat sila ay hangad na maganda ang ipapakita nila sa kanilang 15th anniversary celebration.

Pero nag-isip sandali si Ogie sa tanong namin kung bakit ganun sila kaseryoso sa kanilang “Magpasikat” numbers.

“Alam mo ang answer ko diyan, hindi ko alam. Pero feeling ko kasi, yung magpasikat is a tradition na talagang magpasiklab ka.

“Siguro nung sinimulan nina Vice Ganda, bata pa sila. Ngayon, hindi na sila bata, kaya nararamdaman na nila yun,” sabi ni Ogie.

Kahit naaksidente na si Kim sa ginawa niya sa kanilang production number, gusto pa rin daw nitong ituloy iyon.

“Tuloy. Itutuloy niya. Kanina ginawa na naman niya. So, ganun talaga, e. Inaasahan naman namin na it’s worth all the hardwork.

“Kanina nag-rehearse kami, maganda na yung kinalabasan. So, pine-perfect na lang namin,” saad ni Ogie.

Sina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang ang unang team na magpapakitang-gilas ngayong Lunes, October 21.

team vice ganda magpasikat
Sa Miyerkules, sina Vhong Navarro, Amy Perez, Daren Espanto, at Ion Perez.

team vhong magpasikat
Sa Huwebes, sina Anne Curtis, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

team anne magpasikat
Sa susunod na taon ay gagawin pa rin kaya nila itong “Magpasikat” na talagang lume-level up? Siyempre, hindi na nga raw sila bata pa, sabi ni Ogie.

“Maganda rin namang itigil muna. Kasi nakaka-pressure!” natatawa niyang pahayag.

Ganun na raw talaga taun-taon na nag-e-expect ang mga manonood na kakaiba ang kanilang ipapakita.

“Oo, kasi ganun naman, e. Siyempre ang madlang people nag-e-expect. So, that’s why we’re doing something na ma-meet yung expectation na yun.

“Yung mga expectations ng madlang people, since sobrang thankful kami sa kanila dahil 15 years na nila kami sinusuportahan, and hanggang ngayon nandiyan sila for us.

“Of course, gusto namin sila bigyan ng magandang show,” sabi naman ni Jhong.

Huwag palampasin ang “Magpasikat” week simula ngayong Oktubre 21, Lunes, 12 P.M. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel at Facebook page, iWantTFC, TFC, at GMA Pinoy TV.

Tutukan din ang online show ng programa na “Showtime Online U” sa YouTube channel ng It’s Showtime.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News