Ruffa Gutierrez cryptic post after Kris took a swipe at Herbert
“Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.”
Is Ruffa Gutierrez alluding to Kris Aquino’s remark about senatorial aspirant and ex-fiancé Herbert BautistaMay kaugnayan ba ang ang tweet ni Ruffa Gutierrez ngayong Huwebes, March 24, 2022, sa mga pasaring ni Kris Aquino sa ex-fiancé niyang si senatorial aspirant Herbert BautistaSi Herbert ay napapabalitang malapit sa puso ngayon ni Ruffa.
Makahulugang mensahe ni Ruffa sa kanyang tweet: “Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.”
Kagabi, March 23, ca campaign rally ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa Tarlac City, sorpresang dumating si Kris kasama ang matalik na kaibigang si Angel Locsin at dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Unang bumati si Angel sa crowd kung saan inihalintulad niya ang solid supporters ni VP Robredo sa isang karelasyong tunay na maaasahan.
Ani Angel: “Kahit umuulan, uma-attend. Rain or shine, walang excuse, lumalabas.
“Kasi yun naman gusto natin sa isang tao, di po ba?
“Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandyan para sa iyo, hindi tuwing eleksyon lang.”
Sumingit si Kris, “Gel, pinatatamaan mo ata ako diyan. Aray. Ouch.”
Tugon ni Angel kay Kris, “Ate, palagi ka lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni.”
Paliwanag ni Kris, ang ibig niyang sabihin sa kanyang punto ay natamaan siya pagdating sa unreliable na karelasyon.
Aniya, “Hindi, yung sinabi mo, may karelasyon.”
Mukha namang naguluhan si Angel sa komento ni Kris kaya napatanong ito ng, “Nandito ba siya?”
Sagot ni Kris, “Yung isa nasa Uniteam, yung ex…”
Hindi man tuwirang binanggit ni Kris ang pangalan ng kanyang ex, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang tanging nakarelasyon niyang nasa Uniteam ay si dating Quezon City mayor na si Herbert.
Kabilang si Herbert sa senatorial slate ng Uniteam ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.
Sabi pa ni Kris patungkol sa kanyang ex-fiancé: “O, wag niyo iboto yun, ha.
“Sayang ang boto dahil di marunong tumupad sa mga pinangako.
“Deadma please.”
Samantala, hindi pa tuwirang umaamin sina Ruffa at Herbert sa kanilang totoong estado, pero naging “Instagram official” sila noong March 16, 2022.