Nagulat ang buong Pilipinas sa bagong record ni Chua…/hi

Chua nagtala ng bagong Philippine record

Chua nagtala ng bagong Philippine record

MANILA, Philippines – Sinira ni Xiandi Chua ang 2018 Philippine record sa women’s 400m Individual Medley sa 2024 Australian Short Course Swimming Championships nitong Biyernes sa Adelaide, Australia.

Naglista ang Cambodia Southeast Asian Games long course record holder ng bagong 4:45.41 sa heats ng nasabing event.

Sa opisyal na resulta na natanggap ni Philippine Aquatics Inc. (PAI) Executive Director Anthony Reyes, opisyal na binura ni Chua ang 4:46.08 na inirehistro ni Georgina Peregrina sa New Zealand National Championships noong Oktubre 5, 2018.

Ang 23-anyos senior student sa De La Salle University na si Chua, kumukuha ng Business Entrepreneur, ay pumangatlo sa tatlong heats ng 400m IM sa likod ng heat winner na si Tara Kinder ng Melbourne Victoria Club (4:41.95) at ni Amelie Smith ng ROCKC (4:44.09).

Nalampasan din ni Chua ang Qualifying Time Standard para sa World Cup Short Course Championship na nakatakda sa Disyembre 10-15 sa Budapest, Hungary.

“Sa ngalan ni PAI president Miko Vargas, ipinaaabot ng pamunuan ng PAI ang aming taos-pusong pagbati kay Xiandi. Ang kanyang pinakabagong tagumpay ay magbibigay inspirasyon sa mga batang manlalangoy at sa kanyang mga kasamahan para sa darating na serye ng World Cup,” ani PAI Secretary General at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.

Nakapasok si Chua sa PH Team para sa World Series matapos mangolekta ng 723 World Aquatics points sa National Trials noong nakaraang buwan.

Makakasama niya sa women’s squad sina 2022 Southeast Asian Games gold medalist Chloe Isleta (770), Filipino-American Cristina Miranda Renner (717) at Micaela Jasmine Mojdeh (690).

Ang men’s team ay binubuo nina Joshua Gabriel Ang (749), Miguel Barreto (743), Arizona State University mainstay Filipino-Am Kyle Gerard Valdez (715), Rian Marco Tirol ((747), Metin Junior Mahmutoglu (726), Rafael Barreto (723), Jerard Dominic Jacinto (733), Nathan Jao (722), Lucio Cuyong II, (664), Raymund Paloma (681), Albert Jose Amaro II (682), at Fil-Canadian Robin Christopher Domingo (665).

Ang World Cup Series ay binubuo ng kompetisyon sa Oktubre 18-20 (Series 1) sa Shanghai, China; (Series 2) sa Oktubre 24-26 sa Incheon, South Korea; (Series 3 sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 sa Singapore at World Cup Championships sa Disyembre10-15 sa Budapest, Hungary.

Sa 2023 SEAG sa Phnom Penh, nanalo si Chua ng gintong medalya sa 200m back na nagtatag ng bagong record sa 2:13.20. Ang lumang marka ay 2:13.64 na ginawa ng Vietnamese na si Nguyen Thi Anh Vien sa 2017 Malaysia edition.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News