Marvin Agustin nadiskubre ang pagiging selosa ni Jolina Magdangal
Marvin Agustin at Jolina Magdangal, muling nagtambal sa pelikula.
Marvin Agustin on Jolina Magdangal: “Ramdam na ramdam mo yung friendship na parang hinihingi niya kasi matagal na raw kaming hindi magkikita. So, dun ko naramdaman na selosa siya, kasi itinuturing niya ako na totoong kaibigan talaga. Kaibigan niya lang ako…”Napatunayan ni Marvin Agustin ang natural na pagiging selosa ni Jolina Magdangal sa set ng comeback movie ng kanilang loveteam, ang Ex Ex Lovers.
Kinunan ang mga eksena ng kanilang pelikula sa Malta, isang bansa sa southern Europe.
Detalyadong inilahad ni Marvin ang kanyang natuklasan tungkol kay Jolina sa media conference ng romantic-comedy movie nila.
Ginanap ang mediacon sa Mr. Monk, ang bagong bukas na restaurant ng aktor sa isang mall sa Mandaluyong City, noong Miyerkules, Disyembre 18, 2024.
MARVIN AGUSTIN’S DISCOVERY ABOUT JOLINA MAGDANGAL
“Dati, nung lumalaki kami, nung mga bata pa kami, yung ipinaparamdam niya sa akin na parang nagseselos-selos siya… ito honest to, ha?
“Akala ko pinapaikot-ikot lang niya ako,” umpisang kuwento ni Marvin, habang pinipilit ni Jolina na sumingit at patigilin siya sa kanyang mga sinasabi.
Photo/s: Jojo Gabinete
Pagpapatuloy ng aktor, “Parang ang sabi ko, ‘Ang galing nitong batang babaeng ito kung makapaglaro. Parang nagseselos yung pakiramdam.’
“Pero alam ninyo, ngayon ko na-realize, selosa pala talaga siya!
“Honest ito. Actually, kagabi ko naramdaman.
“Kasi dun sa Malta, nararamdaman ko na yon. Ang sabi ko, ‘Mukha bang nagseselos ito?’
“Pero kagabi, may kausap ako sa phone, e, trabaho yon.
Sabi niya, ‘Puwede ba?’ Tonong buwisit siya.
“Sabi niya, ‘Puwede ba, huwag kang makipag-usap sa telepono? Kasi ngayon lang tayo magkikita tapos next year na ulit, tapos nakikipag-usap ka sa iba. Puwede ba, kapag shooting, shooting?’
“Yung parang syota ko yung nagsasalita.”
Sabay baling ni Marvin kay Jolina, “Syota ba kita?”
KAIBIGAN NIYA LANG AKO…”
Habang nagsasalita si Marvin ay hawak-hawak nito ang kamay ni Jolina, na pinipigilan siya sa pagsasalita at hinahampas ang kanyang balikat.
Photo/s: Jojo Gabinete
Pero hindi nagpaawat ang aktor at patuloy pa rin sa pagsasalita.
Ani Marvin, “Ramdam na ramdam mo yung friendship na parang hinihingi niya kasi matagal na raw kaming hindi magkikita.
“So, dun ko naramdaman na selosa siya, kasi itinuturing niya ako na totoong kaibigan talaga.
“Kaibigan niya lang ako…”
Ang huling pahayag ni Marvin ay kinopya niya mula sa hindi malilimutang linya ni Jolina sa kanilang pelikulang Labs Kita…Okay Ka Lang? (1998).
Nang bigyan ni Marvin si Jolina ng pagkakataong magsalita, nagpaliwanag ang actress-TV host.
Aniya, “Kasi naman, nag-eeksena tapos nagmi-meeting. Sa akin lang…”
Pero naputol ang pagsasalita ni Jolina dahil sumingit si Marvin: “Selosa ka, aminin mo.
“Selosa siya. Akala ko pikon lang, pero selosa pala.
“Yun ang pinanggagalingan ng pikon.
“So, masarap siyang kaibigan kasi gusto ka niyang kunin. Gusto ka talaga niyang alagaan.
“Gusto ka niyang gawin na keychain. Gusto ka niyang i-bag.
“Tapos nagutom ako, nagpabili agad siya ng Jollibee. Sobrang sweet niya.”
Ang Ex Ex Lovers ay nakatakadang ipalalabas sa mga sinehan sa 2025.