Mariel, kinuyog matapos ibalandra ‘tukaan’ nila ni Robin

Dinumog ng hateful comments ang Facebook post ng TV host-online personality na si Mariel Rodriguez-Padilla matapos niyang ipakita ang larawan nila ng mister na si Sen. Robin Padilla habang magkalapat ang mga labi nila sa isang event.
Caption dito ni Mariel, “Oh ayan may consent yan ah.”
Sa comment section, mababasang nagkomento rito ang mister.
“Hello babe I’m in heat (flame emojis),” saad ng senador
Tugon naman ni Mariel, “It’s a tie… ‘I’m feeling hot hot hot.”
Matatandaang umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang naging mga pahayag ng senador patungkol sa tanong niya kay Atty. Lorna Kapunan, na may kinalaman sa pagtatalik ng mag-asawa at kung kailangan pa ba ng consent ang mister sa kaniyang misis, kaugnay sa isyung marital rape na tinatalakay sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Padilla.
Nasabi kasi ni Padilla na naniniwala siyang may sexual rights ang mag-asawa sa isa’t isa, at ano raw ba ang gagawin kung in heat ang isang lalaki at ayaw naman ng babae. Baka raw kasi magdulot pa ito ng pagkakasala gaya ng pambababae o higit pa.
Sagot ni Kapunan, “No means no.” Ibaling na lamang daw ng lalaki sa ibang bagay ang kaniyang “urge” para hindi niya mapagsamantalahan ang kaniyang misis, dahil puwede kasing kasuhan ng isang misis ang kaniyang mister kapag pinilit siya nitong makipagtalik kahit ayaw niya.
Sa comment section naman ay pinaulanan ng masasakit na salita ng netizens ang mag-asawa.
“Itβs a tie! Parehong bobo. Magpa counselling kayong dalawa, malala na yung pagiisip at ginagawa nyo pareho.”
“Pakapon na βto pareho para βdi na madagdagan lahi.”
“My God. Ode kung kayo pareho kayong laging nasa mood at in heat, kayo yon. Hindi lahat ng mag-asawa ganon. Grabe ginawang katawa-tawa yung nararanasang abuse ng iba.”
“Very disrespectful to all the victims of marital rape and sexual abuse within the confinement of one’s home. Disgusting. Well, what do we expect from these moronic enablers? Kawawang Pilipinas.”
“Mix and match yarn.”
Samantala, humingi naman ng paumanhin si Padilla sa mga naapektuhan sa kaniyang mga nasabi kaugnay sa kanilang hearing.
“Sa mga na offend po o Hindi nagustohan ang aming pagdinig patungkol sa marital rape. Mga kababayan paumanhin po,” aniya sa kaniyang Facebook post.
“Para din po sa inyong kaalaman ang aking committee po ay public information. Ito pong Commitee na ito sa matagal na panahon ay tulog, hindi po ito nagagamit ng tama kahit nasa constitution ang public information. Article III, Section 7 of the Constitution, which provides: ‘The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized.'”
“Ang aking pong isinasagawang mga pagdinig, sa aking bawat hearing walang pinakamahalaga kundi ang pagtatanong upang makakuha ng information dahil ang commitee ko po ay commitee of public information.”
“Kung kayo po ay well informed na po sa usapin ng marital rape malaki po ang inyong maitutulong.”
“PakΔ± share pa po ang mga ibat ibang edit ng pagdinig na ito para lalong lumaganap at mainam na sumali po kayo sa pagpapalaganap ng family code of 1988 sa ating mga kababayan na hindi inabot.”
“Tandaan po natin ang well informed na bayan ay progresibo.”
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News ππ π₯ππ©ππ πππ‘π¨ππππ’π ππ‘π ππ‘π§ππ₯π§πππ‘π ππ‘π§ πͺπ’π₯ππ π ππ§ππ£π’π¦ π ππππ ππ‘ ππ‘π π£πππππππππππππ‘ π‘ππ‘π ππ¬πππ π£ππππππ ππ§ ππππ¨π₯ πππ₯ππ‘πππ/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the publicβs surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthdayβ€οΈNapa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load