Maricel painfully shared ‘William and I could never be together because he had so many demands that I couldn’t meet..

Maricel: ‘Hindi naging kami ni William’

Maricel2Maricel1IN our recent interview with the Diamond Star na si Maricel Soriano for our online show, “TicTALK with Aster Amoyo” sa YouTube, inamin nito na hanggang ngayon ay hinahanap-hanap pa rin niya ang kanyang namayapang ina na si Rosalinda `Linda’ Dador Soriano na sumakabilang-buhay nung July 21, 2009 gayundin ang Comedy King na si Dolphy na siyang tumayo niyang ama while she was growing up.

The comedy king passed on July 10, 2012. Kinilala din niya bilang second mother ang namayapang veteran actress na si Nida Blanca na pumanaw nung November 7, 2001.

“Ulila na akong lubos,” pagbabahagi ni Maria.

“Napakasuwerte ko dahil kahit nagmula ako sa isang broken family when I was still very young, nandun ang Mommy (Linda) ko sa lahat ng oras at nabiyayaan pa ako ng itinuring kong second parents – sina Daddy Dolphy at Mommy Nida na siyang gumabay sa akin sa pagsisimula ko sa showbiz hanggang sa paglaki ko,” kuwento pa niya.

“Yung longing ko sa pagmamahal ng isang ama ay napunuan ni Daddy (Dolphy) who treated me just like her own kaya sobra talaga akong naapektuhan nang mawala siya,” patuloy niya.

“Ang mga anak ni Daddy ay trinato akong parang tunay nilang kapatid and I’m closest to Eric (Quizon),” aniya.

“I was only six years old nang ako’y magsimula sa showbiz at lumaki ako na may buong pamilya sa ‘John and Marsha’. May daddy ako, may mommy at may Kuya (Rolly Quizon) at may Lola (Dely Ataytayan). Dun ko naranasan ang kumpletong pamilya,” aniya.

“John and Marsha” was the longest-running weekly sitcom on TV na tumagal nang halos 20 taon. Nagkaroon pa ito ng tatlong sequel ng pelikula.

Ibinahagi rin ni Maricel na dumaan umano ang kanyang pamilya sa hirap bago siya nag-showbiz. There were times na wala umano silang makain pero unti-unting nabago ang kanilang buhay nang unti-unti siyang sumikat.

It was not an easy climb to the top, so to speak. Pinagdaanan din ni Maricel ang pagiging supporting child actress bago siya lubusang nakilala.

“Nang mawala si Mommy (Linda),” i felt so depressed at nawalan ako ng ganang magtrabaho. Nasanay kasi akong kasa-kasama ko ang Mommy ko sa lahat ng oras. She was always there for me. Dumaan talaga ako sa depression,” pag-amin niya.

Gayundin ang pakiramdam ni Maricel nang mawala ang kanyang Mommy Nida lalung-lalo na ang kanyang Daddy Dolphy.

“Dumaan din ako sa depression nang mawala si Daddy (Dolphy),” aniya.

It was during the 80s nang maabot ni Maria ang superstar status nang siya’y maging isa sa mga `Regal Babies’ ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde and was paired with William Martinez whom she calls Kulit dahil sa pagiging makulit umano nito sa tunay na buhay. During that time, ang loveteam nila ni William ang pinakasikat at naging sunud-sunod din ang mga pelikulang kanilang ginawa sa bakuran ng Regal.

We asked Maricel kung naging sila ni William kung kasagsagan ng kanilang loveteam.

“Never na naging kami. Hanggang loveteam at magkaibigan lang talaga kami,” pag-amin ni Maria.

Maricel was 6 years old when she started her acting career at first movie niya ang “My Heart Belongs to Daddy” in 1971 Two years later, she was named Best Child Actress in 1973 para sa pelikulang “Alaala Mo, Daigdig Ko” and on the same year ay naging bahagi siya ng “John and Marsha” sitcom na tumagal sa ere ng halos 20 taon.

She was 14 nang kanyang makuha ang kanyang 1st Best Actress Award sa FAMAS for “Yakuza Contract” at nabago naman ang takbo ng kanyang career when she was signed up by Regal Entertainment as one of the Regal Babies. She was launched sa pelikulang “Underage” in 1980 kung saan niya kasama sina Snooky Serna, Dina Bonnevie at Gabby Concepcion na dinirek ng yumaong si Joey Gosiengfiao.

Sa bakuran ng Regal ay naging sunud-sunod na ang mga pelikula ni Maricel tulad ng “Underage,” “Kaya Kong Abutin ang Langit,” “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday,” “Hinugot sa Langit,” “Inday Inday sa Balitaw,” “Batang Quiapo” with the late movie king Fernando Poe, Jr., “Pinulot Ka Lang Sa Lupa,” “Babaeng Hampaslupa” at iba pa.

Bukod sa mga pelikulang pinagsamahan nila ng dati niyang ka-loveteam na si William Martinez tulad ng “Pabling,” “Galawgaw,” “Inday Bote,” “Hindi Kita Malimot,” “Teenage Marriage” at “The Graduates,” ipinareha rin si Maricel ng Regal sa ibang leading men tulad ni Gabby Concepcion sa “Pepe en Pilar,” Fernando Poe, Jr. in “Batang Quiapo,” Ronnie Ricketts in “John and Marha (The Movie)” kung saan nagsimula ang kanilang love affair, Randy Santiago in “Taray & Teroy” at iba pa.

During the 90s ay marami rin siyang nagawang significant movies tulad ng “Ikaw Pa Lang Ang Minahal,” “Minsan Lang Kita Iibigin,” “Vampira,” “Separada,” “Dahas,” “Inagaw Mo Ang Lahat sa Akin,” “Soltera” among others.

During her prime, nagkaroon din si Maricel ng sarili niyang drama anthology, ang “Maricel: Regal Drama Special” at dalawang magkaibang musical-variety show, ang “I Am What I Am: Maricel Live” at “Maria! Maria!”.

Turning 59 this coming February 25, Maricel is still very much around doing projects for TV and movies.

She’s in the drama series “Linlang” at sa bagong sitcom on Net25, ang “3-in-1” with the Quizon family at marami pa siyang ibang projects na naka-lineup ngayong 2024. Ito’y bukod pa sa kanyang pagiging vlogger na ini-enjoy umano niyang gawin.

“Hindi ko ini-expect na makakapag-cross over ako sa vlogging,” aniya.

Maricel has two grown-up sons na sina Marron at Sebastien, her inspirations kung bakit hanggang ngayon ay patuloy siya sa kanyang karera bilang actress.

“Magkaroon man sila ng sarili nilang pamilya balang araw, alam nila pareho na mahal na mahal ko sila at narito lang ako for them,” pagtatapos niya.

Alex at Empoy hindi gusto ang isa’t isa noong una

EmpoyEmpoy1Empoy2KUNG naibigan ng mga manonood ang tambalang AlEmpoy nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa 2017 “Kita Kita” movie at sa pelikulang “Walang Ka-Paris” nung 2023, regular nang matutunghayan ang dalawa sa kanilang kauna-unahang weekly sitcom, ang “May Forever” on Net25 every Sunday, 7 p.m. to 8 p.m.

Aminado pareho sina Alex at Empoy na tinantiya umano nila ang isa’t isa nung una silang magkatrabaho sa pelikulang “Kita Kita” na nananatiling highest grossing Filipino indie movie of all time na kumita sa takilya ng mahigit P320M.

“Tahimik at seryoso kasi si Alex,” panimula ni Empoy.

“Hindi ko naman gusto si Empoy nung una kasi madalas siyang late sa set at hindi ready sa kanyang lines,” pagbabahagi naman ni Alex.

Pero sa kalaunan ay bumawi si Empoy bagay na ikinatuwa ni Alex at doon lamang umano sila nagsimulang maging magkaibigan na nauwi sa pagiging mag best friends.

“Hindi ganoon karami ang mga kaibigan ko,” pag-amin ni Alex.

“Sina Piolo (Pascual) at Empoy ang itinuturing kong espesyal na mga kaibigan kung saan puwede akong mag-open up at kilalang-kilala rin nila ang buong pagkatao ko at kilalang-kilala ko rin sila,” patuloy ng award-winning actress, writer, director and film producer.

Was there a time na nahulog ang loob nila sa isa’t isa?

“Platonic ang relasyon ko kina Papa P at Empoy. Walang romantic love,” pahayag ni Alex.

“Parang kapatid lang talaga ang turingan namin ni Alex,” pag-amin naman ni Empoy.

“Ayokong sirain ang pagkakaibigan namin. Although marami akong malalapit na kaibigan, kakaiba ang friendship namin ni Alex,” ani Empoy.

“There are even times na nag-uusap kami ni Empoy sa loob ng tatlong oras na parating asaran pero may mga times din naman na nag-uusap kami tungkol sa maraming bagay-bagay na may kinalaman sa aming respective careers. I always gave him creative advise,” kuwento pa ng award-winning actress.

Pero kung ang kanilang mga fans ang tatanungin, gusto nilang sina Alex at Empoy ang magkatuluyan sa totoong buhay.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News