Maine Mendoza Reveals the Truth About Their Real Relationship with Juancho Trivino!/hi

Juancho pinanindigan ang totoong relasyon nila ni Maine

Juancho pinanindigan ang totoong relasyon nila ni Maine

SEEN: Nanindigan si Juancho Trivino na magkaibigan lamang sila ni Maine Mendoza. Si Juancho ang other leading man ni Barbie Forteza sa Inday Will Always Love You ng GMA 7.

SCENE:  The height of ka­tsipan ang away sa pera ni Ynez VeneracionSunshine Cruz at ng Pinay businesswoman from Brunei na fan ng mga artista at feeling sikat dahil enjoy na enjoy sa pakikipagtarayan sa mga artista.

SEEN: Bohol bound kahapon ang comedian na si Super Tekla kaya hindi na niya nahintay ang pagsisimula ng presscon ng Inday Will Always Love You. Hindi na nausisa ng showbiz press kay Super Tekla ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng girlfriend niya.

SCENE: Ang surprise 40th birthday asalto para kay Judy Ann Santos ang unang party na dinaluhan ni Sarah Geronimo na kababalik lamang sa Pilipinas mula sa successful US tour ng kanyang 15th anniversary concert, ang This I5 Me.

SEEN: Kasama ni Sarah Geronimo sa birthday party ni Judy Ann Santos ang boyfriend niya na si Matteo Guidicelli. Supportive sina Judy Ann at Ryan Agoncillo sa love affair nina Sarah at Matteo.

SCENE: Magkakasama sina Jean Garcia, Jeric Gonzales at Jake Vargas sa Ika-Limang Utos: Huwag Kang Pa­patay, ang bagong afternoon teleserye ng GMA 7. Napapanood ang tatlo sa Kambal, Karibal ng GMA 7.

SEEN: Inamin ni Nora Aunor na hindi nito nakikita ang mga anak niya at matagal na sila na walang komunikasyon. Bukas ang Mother’s Day na isang perfect occasion para mag-reach out kay Nora ang kanyang mga anak.

SCENE: Hindi dapat magpaapekto si Pia Wurtzbach sa mga rude comment na mukhang transgender woman siya. Magaganda ang karamihan sa transgender wo­men  at mas maganda pa sila kesa kay Pia.

SEEN: Pinanghihinayangan ang ilang mga pelikula na official entry sa Cine Filipino Film Festival 2018 dahil hindi maayos ang pagkakalahad ng kuwento at hindi pulido ang direksyon ng mga aspi­ring filmmaker.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News