Luha si Lotlot de Leon Nang Natanggap ng Anak na Babae ang Best Actress Award: A Mother's Pride /hi - News

Luha si Lotlot de Leon Nang Natanggap ng Anak na B...

Luha si Lotlot de Leon Nang Natanggap ng Anak na Babae ang Best Actress Award: A Mother’s Pride /hi

Lotlot super cry, best actress anak

Janine

Isang katuparan na natupad ang pakiramdam ni Lotlot de Leon nang umakyat ng stage sa ginanap na 6th The EDDYS, na ginanap sa Aliw Theatre nitong November 26.

Sabi ni Lotlot, matagal na niyang pangarap ang makatanggap ng Best Actress trophy.

At ‘yun nga, tumanggap siya ng tropeo, pero hindi para sa sarili niya, kundi para sa anak niyang si Janine Gutierrez, na waging best actress para sa pelikulang ‘Bakit ‘Di Mo Sabihin?’.

Naka-tie ni Janine ang isa pang mahusay na aktres na si Max Eigenmann, na bumida naman sa pelikulang ’12 Weeks’.

“Janine, I’m so proud of you! ‘Bakit ‘Di Mo Sabihin’ is a very special film. Kadalasan kasi hindi nabibigyan ng pagkakataon, ang mga person with disabilities, na maipakita ang buhay nila sa pelikula.

“’Bakit ‘Di Mo Sabihin’ is about a a deaf and mute couple, which is played by my daughter Janine, and of course, JC de Vera. They’re both wonderful actors in this film. Sana lang you were able to catch it.

“They had to learn the Filipino sign language, to be able to translate in this film…,” sabi ni Lotlot.

At siyempre, pinasalamatan ni Lotlot ang bumubuo ng 6th The Eddys, sa parangal na ibinigay sa kanyang panganay na anak.

“Sa aking panganay na anak, na napakagaling na aktor. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. God bless us all,” sabi pa ni Lotlot.

Si Max naman ay nanginginig din habang papalapit sa entablado, at abot tenga nga ang kaligayahan, ngiti niya.

Anyway, sabi nga, lahat naman ng mga nominado ay panalo na. Kaya sa inyong lahat, lalo na kay Rose Van Ginkel, na nominado rin sa ‘Kitty K-7’ na nag-effort pumunta, saludo ako sa iyo.

Sana ay dumami pa ang tulad mo, na nagbibigay ng oras sa mga tao sa industriya na nagbibigay halaga, at gumagawa ng paraan para buhayin pa ang pelikulang Pilipino.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…