Lotlot de Leon keeps quiet about mother Nora Aunor’s feelings after cryptic Facebook post..

Lotlot de Leon keeps mum about mom Nora Aunor’s sentiment

Lotlot de Leon posts a meaningful message on Facebook about giving your all, but still not enough for others.

Lotlot de Leon posted this message on her Facebook account yesterday, May 5: “Ako kase yung klase ng tao na kung puwede ko ibigay lahat mapasaya at makatulong lang ako sa munting paraan na abot ng aking makakaya para sa mga mahal ko, gagawin ko. Pero paano kung nasubukan mo na maibigay lahat at paano kung isang araw ma-realize natin that it will never be enough for them? Paano na?”

Minabuti ng aktres na si Lotlot de Leon na manahimik na lang muna hinggil sa isyu tungkol sa kanyang inang si Nora Aunor.

Ito ay may kinalaman sa naging pahayag ng Superstar na tila may sama ito ng loob na hindi man lamang daw dinalaw ng magkakapatid na Lotlot, Matet, Kenneth, Kiko, at Ian de Leon ang kapatid ng Superstar na si Eddie ‘Buboy’ Villamayor na naka-confine sa ospital mula pa noong 2015.

Bilang respeto sa kanyang ina at dahil na rin sa pagdidriwang ng Mother’s Day sa Linggo, may 8, ay ayaw na munang magsalita ni Lotlot tungkol dito.

Pero ayon sa ilang malalapit sa magkakapatid, makailang beses dumalaw sina Lotlot sa kanilang tiyuhin sa ospital, taliwas sa sinabi ni Nora.

Makahulugan din ang naging post ni Lotlot sa kanyang Facebook account kahapon, May 5.

Wala mang binanggit na pangalan o partikular na sitwasyon ang aktres, maaaring ito ang kanyang saloobin sa naging pahayag ng ina.

Mensahe ni Lotlot, “Nakakalungkot isipin na kahit gaano mo ipakita ang pagmamahal at malasakit sa mga taong mahalaga at importante sa atin na minsan ay hindi pa din ito sapat para sa kanila… parang laging kulang pa din.

“I wonder, what does it really take for one to appreciate whatever it is na kaya mong ibigay?

“Ako kase yung klase ng tao na kung puwede ko ibigay lahat mapasaya at makatulong lang ako sa munting paraan na abot ng aking makakaya para sa mga mahal ko, gagawin ko.

“Pero paano kung nasubukan mo na maibigay lahat at paano kung isang araw ma-realize natin that it will never be enough for them? Paano na?”

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News