LOOK: Donny is pursuing Belle for this one reason only.../hi - News

LOOK: Donny is pursuing Belle for this one reason ...

LOOK: Donny is pursuing Belle for this one reason only…/hi

Donny sobrang romantiko kay Belle

Naging panauhin ng broadcaster turned vlogger na si Karen Davila ang Kapamilya actress na si Belle Mariano.

Nagbalik-tanaw si Belle sa kanyang mga pinagdaanan bago pa man siya naka-penetrate sa showbiz.

Ani Belle, bata pa raw talaga siya ay gusto na niyang mag-artista.

Katunayan, kapag may family reunion daw sila, siya iyong tipong pabiba na nagpe-perform sa kanilang family occasion.

Tutol daw talaga ang parents niya sa kanyang pag-aartista pero siya raw ang kumumbinsi na payagan siya ng mga ito.

Lahad pa niya, minamasahe pa raw niya noon ang kanyang parents para pahintulutan lang siyang mag-audition.

Noong nakapasok na raw siya sa showbiz, biggest hurdle raw niya ay ang pagsabayin ang kanyang pag-aartista at ang pag-aaral.

First time raw niyang ma-meet noon si Donny Pangilinan ay kinilig na agad siya dahil sa kaguwapuhan nito.

Tulad niya, nakita rin daw niya kung gaano ka-competitive ito.

Very genuine at caring rin daw ito, ilan sa qualities ng love team partner na nagustuhan niya.

Feeling din daw niya, she’s in a happy place kapag kasama si Donny.

Ito rin daw ang itinuturing niyang best friend sa showbiz.

Katunayan, kinu-consider din daw niyang ito ang good day at good night niya dahil inaaraw-araw siya nito sa pagbati at pangungumusta sa kanya.

Sa tanong naman ni Karen kung romantiko si Donny, walang kagatul-gatol na Yes ang naging sagot ni Belle.

Hirit pa niya, malaki rin daw ang naging papel ni Donny para maging Kristiyano siya.

Ito raw ang nag-convince sa kanya to go to their church and become more spiritual.

Tungkol naman sa kanilang terms of endearment, Tink from Tinkerbell daw ang tawag sa kanya ni Donny samantalang baduy na Nato raw ang nakasanayan niyang itawag sa love team partner.
Sa darating na Pasko, wala pa raw silang Christmas plans pero for sure ay magkasama silang dalawa.

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…