Leon is torn between Nora Aunor vs Matet de Leon “I just refuse to comply. Because he is not complicated”

Lotlot de Leon on Nora Aunor vs Matet de Leon issue

“Ayoko na lang ikumplika. Kasi hindi naman siya complicated, e.”
Lotlot de Leon, Matet de Leon, Nora AunorLotlot de Leon on Nora Aunor vs Matet de Leon issue: “Ayoko na lang ikumplika. Kasi hindi naman siya complicated, e.”Hindi na pinag-uusapan ni Lotlot de Leon at ng mommy niyang si Nora Aunor ang isyu ng huli kay Matet de Leon.

Nitong nakaraang linggo, naging laman balita ang competition nina Ate Guy at Matet sa gourmet tuyo at tinapa business.

Sabi ni Lotlot nang nakapanayam ng PEP Troika sa presscon ng pelikulang That Boy in The Dark, nagkakaintindihan na raw silang mag-ina sa mga ganung isyu ng pamilya.

“Minsan kasi kami ng Mommy, may mga bagay na hindi na rin kami…kumbaga, understood na lang na lahat naman sa aming mga anak, ganun siya, e. So may mga bagay na hindi na kailangang ipaliwanag,” safe na pahayag ni Lotlot.

Naintindihan din daw ito ni Matet, at sa isyung ito, alam daw nilang magkakapatid na sa dulo ng problemang ito, sila pa ring pamilya ang magkakasama.

“Si Matet naman, alam niya naman na kaming magkapatid, lagi naman kaming… will always be, kumbaga, kung ano man ang trials, at the end of the day, pamilya pa rin kami,” sabi pa ni Lotlot.

Ikinuwento na rin ni Lotlot na gusto sana niyang dalawin nung Pasko si Mama Guy, pero masama raw ang pakiramdam nito.

“May ilang beses din kaming nagkita, pinupuntahan ko siya sa bahay niya. Nitong Christmas, I spent the eve with the kids, and then after, I called my Mom, I said can I drop by.

“Ang sabi niya, masama ang pakiramdam niya, inuubo siya. So, sabi ko, sige po. Pag okay na lang siya ulit, that’s the time I’ll visit her,” pakli ng award-winning actress.

Hindi na rin idinetalye ni Lotlot kung paano sila nagkaayos ni Mama Guy.

Very personal na raw ito, at mas mabuting sa kanila na lang daw, at hindi ito alam ng mga taong namba-bash sa kanya noon.

“Whatever naman I have with my mom is really personal, e. Ibang tao lang naman ang gustong maghalungkat ng mga kung anu-ano, di ba?

Whatever I have with my mom is personal. So, I prefer it that way. Kami naman, like ako, aminin ko nung una na nakakatanggap ako ng mga ganung pananalita, medyo nasa-shock ako. Kasi, saan nanggagaling, di ba? Saan nanggagaling yung salitang wala kaming utang na loob?

“Ano ba ang alam ng mga tao sa mga nagawa at hindi ko nagawa para sa pamilya ko? Hindi ba?

“At kung meron man akong nagawang mga kabutihan, bakit kailangan kong ilantad yun, di ba? And I think most people know naman also how…lalo na kami ni Matet, always protecting this family especially with our mom. Especially in bad times.

“Kami naman, yun lang, nakakalungkot lang kasi naintindihan namin, siguro mas mahal talaga nila si… I mean, iba yung respeto, iba ang pagmamahal nila kay Mommy. Ganun e.”

Kagaya rin daw sila ng ibang pamilya na merong mga pinagdadaanan pero hindi na lang nila pinapalala at mas mabuting huwag na raw gawing complicated pa ang mga isyu.

“Pamilya pa rin. Kahit ano pang sabihin nila, kahit sino o kahit kay mommy, at the end of the day, sa ending kami pa rin ang magkasama. Kami pa rin.

“Ayoko na lang ikumplika. Kasi hindi naman siya complicated, e. It’s just, you know, the people, they like to talk about other people’s lives.

“And you know, they look at the things maybe their own world, but not perspective from outside na,” sabi pa ni Lotlot.

At sa Christmas Party namin na mga workshoppers ng National Artist Ricky Lee, nakausap ko rin, puso sa puso si Matet.

At katulad ni Lotlot, alam ko na may mabuting puso sila—sa pamilya at maging sa kanilang ina.

Patuloy nating ipagdarasal ang kanilang paghilom at pagmamahal na may pang-unawa at pagpapatawad. Sigurado akong hindi naman nila matitiis ang isa’t isa.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News