
Kinakiligan ng netizens ang jumpshot photo ni Kim Chiu at ng nauugnay sa kanya ngayong si Paulo Avelino.
Perfect kasi ang hugis ng Bulkang Mayon sa kanilang likuran at walang ulap na nakatakip dito.
Read: Kim Chiu celebrates 18th anniversary in showbiz
Caption ni Kim sa kanyang post, “May napa jump shot ako sa umaga! [laughing emoji] nicewan @pauavelino”

KIM CHIU ASKED ABOU PAULO AVELINO AND XIAN LIM
Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Kim sa launching niya bilang bagong endorser ng BillEase ay tinanong siya tungkol sa ipinost niyang larawan nila ni Paulo.
Ginanap ang launching ni Kim ng leading buy now, pay later (BNPL) at consumer finance app sa Pilipinas, sa Luxent Hotel, Quezon City, Martes ng hapon, June 18, 2024.
Ayon kay Kim, kuha ang larawan nila ni Paulo noong umaga ng June 18 sa Albay.
Nag-show raw sila ni Paulo sa nasabing lalawigan para sa promo ng kanilang mga teleseryeng Linlang at What’s Wrong With Secretary Kim.
Lahad ni Kim, “Kanina. Ay, oo. Yung mga tao. Nag-show kami sa Sorsogon at Agusan ni Paulo.
“Masaya naman kami. Napatalon kami sa dami ng nanonood pala ng Linlang, ng Secretary Kim.
“Parang punung-punong yung buong plaza pag nag-perform kami.”
Sabi ng ilang netizens, pati ang Bulkang Mayon ay nakisang-ayon sa KimPau, tawag sa tambalan nina Kim at Paulo.
Reaksiyon ni Kim dito, “Huy! Ganun ba yun? Hindi ko alam.
“Maganda yung Mayon, wala siyang clouds.”
Nakilala na ba niya nang lubusan si Paulo, at in what way?
Sagot ng Kapamilya star, “Okay naman, natatawa naman na siya sa akin.
“Nagkukuwento naman na siya. So, parang sa tagal na rin kaming magkatrabaho.”
Si Paulo ba ang naging daan para dahan-dahan siyang maka-move on mula sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Xian Lim?
Nakangiting sagot ni Kim, “Uy! Ang bilis niya po talaga.
Sa tingin ba niya, things are better with Paulo now matapos ang mga pinagdaanan niya?
Aniya, “Grabe naman yung things are better.
“Siguro po na nagkataon lang na, ano, na… na okay yung mga nangyayari lately and then yung mga blessings ay dumarating naman na hindi inaasahan.
“So, parang masaya naman.”
Nagha-hang out ba sila ni Paulo kung walang work?
Sagot ni Kim, “Hindi naman. Hindi naman lumalabas sa bahay yun.”
Tanong naman ng entertainment editor na si Janiz Navida, “Pero Kim, sa pagkakilala mo kay Paulo, jojowain or totropahin?
“Huy, ang bilis. Mag-download po tayo ng BillEase app,” nakangiting iwas ni Kim.
KIM CHIU’S NEW ENDORSEMENT
Linggo lamang ang pagitan at may bago ulit endorsement si Kim.
Ano ang pakiramdam niya na pinagkakatiwalaan siya ng brands?
Ayon kay Kim, “Ano lang, very happy and very grateful sa lahat ng mga nangyayari.
“And, ano, sobrang nagpasalamat talaga.”
Feeling ba niya, mas tanggap ng mga taong solo o single siya ngayon kaya ang dami niyang blessings?
Sagot niya, “Na solo ako? Hindi ko alam na yung ano lang. Siguro, ano, sinusuwerte lang talaga.
“And, ano lang, very ano lang lang, sobrang saya ko lang na pinagkakatiwalaan pa rin ako ng mga brands.
“And I’m very happy and sana, ano, parang tulungan naman kasi yan when it comes to endorsement.”

PHOTO/S: ARNIEL SERATO
Kim Chiu with BillEase CEO Garret Go (left) and chief marketing officer Jose Fernandez (right).
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load