Kris Aquino was saddened to see Bimby working hard for her medical bills. Bimby's work shocked Kris. - News

Kris Aquino was saddened to see Bimby working hard...

Kris Aquino was saddened to see Bimby working hard for her medical bills. Bimby’s work shocked Kris.

Kris Aquino Umamin Na Need Na Mag-Work Ni Bimby Dahil Sa Kanyang Medical Bills!

Hindi akalain ng mga fans ng Queen Of All Media na si Kris Aquino ang naging rebelasyon nito kamakailan kung saan inamin niyang kailangan nang umuwi ng Pilipinas ni Bimby para magtrabaho dahil sa patuloy na paglaki ng kanyang medical bills sanhi ng kanyang mga karamdaman. 

Kamakailan lamang ay nagbigay ng update si Kris Aquino patungkol sa kanyang kasalukuyang health conditions kung saan inamin niyang hindi mabuti ang kanyang kalagayan at mayroon pa siyang nadedevelop na panibago na namang autoimmune disease bukod pa sa mga nauna na niyang autoimmune diseases.

Sa ngayon ay nakitaan na naman umano si Kris Aquino ng mga sintomas ng autoimmune disease na mas kilala sa tawag na Lupus.

Ayon sa aming pananaliksik ang Lupus ay isang uri ng autoimmune disease kung saan inaatake ng immune system ang mga tissues at organs sa katawan. Maari umano itong humantong sa pamamaga sa ibang bahagi ng katawan partikular na sa joints, skins, kidney, heart, lungs, blood cells at brain.

Gayunpaman, sa lahat ng mga paghihirap na kanyang pinagdadaanan, ipinangako niyang hindig-hindi siya susuko alang-alang sa kanyang dalawang anak at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Kaagad namang nagpadala ng mga mensahe ng panalangin ang mga kaibigan ni Kris Aquino para sa kanyang agarang paggaling.

Samantala, sa comment section ng kanyang post, naisiwalat ni Kris Aquino na maaring umuwi sa Pilipinas ang bunsong anak niyang si Bimby pagkatapos ng birthday niya sa darating na February 14 dahil kailangan nitong magtrabaho.

Kinailangan na umanong pumasok ni Bimby sa showbiz at magtrabaho dahil sa patuloy na paglaki ng kanyang mga medical bills.

Isiniwalat rin ni Kris Aquino na hindi siya pumayag na palitan ng kanyang anak ang pangalan nito sa pagpasok sa showbiz industry mananatili umano itong ‘Bimb’ at wala itong gagamiting last name.

Dahil sa rebelasyong ito ni Kris Aquino, tila namulat ang mata ng maraming mga netizens na maging ang pamilya ni Kris Aquino na kilalang nagmula sa mayamang angkan ng bansa ay nagigipit rin sa pera lalo na ngayong tinamaan ito ng malubhang mga karamdaman.

Ikinabilib din ng maraming mga tagahanga ni Kris Aquino ang willingness ni Bimby na makatulong sa kanyang ina na tinamaan ng matinding mga karamdaman at makatulong sa medical bills nito.

Matatandaan na nauna nang ibinahagi ng CornerStone ang pag-welcome nila kay Bimby bilang isa sa kanilang panibagong talent. Sinamahan din ito ni Boy Abunda na siyang tumayong guardian sa anak ni Kris Aquino.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…