Jhong Hilario đùa hỏi Kim Chiu liệu cô ấy có thể được phỏng vấn không

Earlier today, on May 3, 2024, Kim Chiu laughs off a question from her It’s Showtime co-host Jhong Hilario, who humorously asked if she could squeeze in an interview during the noontime show’s opening spiels. This comes on the heels of her ex-bf Xian’s confirmation of his new relationship.

Hindi napigilang maging sentro ng biruan si Kim Chiu sa It’s Showtime ngayong tanghali ng Biyernes, May 3, 2024.

Ito ay matapos ang pag-amin ni Xian Lim, ex-boyfriend ni Kim, na girlfriend na nga nito ang film producer na si Iris Lee.

Sa opening spiels ng noontime show ngayong araw, winelcome ng mga host na sina Kim, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario ang “TNT Kids Season 2” grand winner na si Kim Hewitt na muling bumalik at nagtanghal sa programa.

Sabi ni Anne, “We love all the Kims and we love you Kimmy.”

Niyakap ni Anne si Kim matapos nito.

Hirit naman ni Vhong, “Gusto mo bang magsampol, Kim?”

Dagdag ni Anne, “Anong gusto mong kantahin?”

Makulit na biro ni Jhong, “Gusto mo interbiyuhin ka na lang namin?”

Sagot ni Kim, “Hindi. Huwag ganun, hindi masakit.”

Hindi na rin nila pinilit pang maungkat ang isyu kay Kim at sa ex-boyfriend nitong si Xian.

Inusisa ng online magazine si Xian kung may katotohanan ba ang mga naglalabasang espekulasyon na may relasyong namamagitan sa kanila ni Iris.

Diretsong sagot niya: “Yes, I’m seeing Iris.

“Just to clear everything, to clear all the speculations.

“We are seeing each other and we are very happy.”

Sabi ni Xian sa Esquire Philippines, nagdesisyon siyang magsalita, halos limang buwan matapos ang kontrobersiyal na announcement ng breakup nila ni Kim.

Ito raw ay upang bigyan-linaw ang mga haka-haka sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya na wala naman daw katotohanan.