“WALANG KATOTOHANAN!!”: Karla Estrada (left) flatly denies rumors that her son Daniel Padilla and girlfriend Kathryn Bernardo (right) have broken up.
PHOTO/S: Karla Estrada/Daniel Padilla Instagram
Mariing itinanggi ng TV host-actress na si Karla Estrada na hiwalay na ang kanyang anak na si Daniel Padilla at ang longtime girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.
Diretsahan itong sinagot ni Karla sa pamamagitan ng isang comment sa Instagram nang magtanong ang isang fan nina Daniel at Kathryn tungkol sa napapabalita nilang hiwalayan
Tanong ng netizen (published as is), “Tita Karla please enlighten us na hindi totoo na break ang KathNiel or may problem sila po… May naglalabasan po kasing mga comments sa TikTok dahil lang sa pagsabi ni Dj na si Summer and definition ng pinaka loyal niya.”
Mabilis na reply ni Karla: “WALANG KATOTOHANAN!!!”
Isa pang Facebook post ang kanyang sinagot.
Saad ni Karla: “Gong gong lang ang nag pauso niyan! Matulog na kayo at mag-aral ng maayos bukas!”
Umugong ang balitang may pinagdaraanan sina Daniel at Kathryn nang mag-trending sa TikTok ang ilang kuhang video clip sa presscon ng finale ng seryeng 2 Good 2 Be True noong October 24, 2022.
Natanong kasi sina Daniel at Kathryn kung ano nga ba para sa kanila ang loyalty.
Ayon kay Kathryn ang loyalty ay pagiging kuntento na hindi na maghahanap pa ng kung ano at kung sino.
Para naman kay Daniel, ang pinaka-loyal para sa kanya ay ang alagang aso na si Summer dahil kahit ano man daw ang pagdaraanan niya ay tanggap nito kung sino siya.
Dahil dito ay nagbunga ito ng maraming espekulasyon at agad umugong ang usap-usapang hiwalay na ang dalawa.
Samantala, nito lamang October 11, 2022, ipinagdiwang ng KathNiel ang kanilang ika-11 anibersaryo bilang mag-onscreen partner.
Nitong Biyernes, October 28, 2022, magkasama silang lumipad patungong El Nido, Palawan para sa pagbubukas ng bagong negosyo na boutique resort ni Kathryn kasama si Piolo Pascual.