Kakaiba ang reaksyon ni Jak Roberto habang sinisigawan ng mga tao ang pangalan ng dating kasintahang si Barbie/hi - News

Kakaiba ang reaksyon ni Jak Roberto habang sinisig...

Kakaiba ang reaksyon ni Jak Roberto habang sinisigawan ng mga tao ang pangalan ng dating kasintahang si Barbie/hi

How did Jak Roberto react to crowd shouting ex-GF Barbie’s name?

Jak has yet to give an official statement on breakup with Barbie.Jak Roberto laughs off crowd shouting ex-girlfriend Barbie Forteza's nameNatawa na lang si Jak Roberto nang isigaw ng mga manonood ang pangalan ng kanyang ex-girlfriend na si Barbie Forteza sa isa niyang provincial gig noong January 14, 2025.Sa isang viral video sa Tiktok, makikita ang Kapuso actor na kumakanta sa stage para sa Coco Festival ng San Pablo, Laguna.

Maaliwalas ang aura ni Jak habang inaawit ang kantang “Hanggang Kailan” ng bandang Orange and Lemons.

Sa chorus ng kanta ay itinapat ng sexy actor ang mikropono sa audience.

At sa halip na ang lyrics na “umuwi ka na baby” ang kinanta ng audience ay “umuwi ka na Barbie” ang kanilang isinigaw.

Hindi naman nagkomento si Jak maliban sa napasigaw siya ng “Ano?”

Maaalalang opisyal na isinapubliko ni Barbie ang breakup nila ni Jak sa pamamagitan ng isang Instagram post noong January 2, 2025.

Si Jak ay nanatiling tikom-bibig hinggil dito.

Tumagal ang relasyon nila ng pitong taon.

Samantala, thankful si Jak sa kanyang naging guesting sa Coco Festival, lalo pa’t siya ay lumaki sa Laguna.

“Dream come true makapagperform sa Coco Festival ng San Pablo City, I remembered those days na nagjjeep pa ako from Nagcarlan makapunta lang sa masayang Festival na ito!

“Di ako makapaniwala na darating ang araw na isa na ako sa magpperform dito!

“Maraming salamat sa mainit na pagtanggap San Pablo City! I love you all!” saad ng post ni Jak sa kanyang Instagram page noong January 16, 2025.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…