Julius Babao Shocks With Anna Marin Interview: Revealing the Truth About Mixed Opinions For FPJ

Julius Babao interview with Anna Marin on FPJ mixed reactions

Isang malapit kay FPJ, nag-react sa interview ni Julius Babao kay Anna Marin.
anna marin fpj julius babaoVeteran broadcaster Julius Babao (right) interviews actress Anna Marin (left) about her past relationship with King of Philippine Movies, Fernando Poe Jr. (inset) for his YouTube vlog.Mahigit 2.8M views na mula nang ma-publish noong Disyembre 26, 2024 sa YouTube channel na Julius Babao UNPLUGGED ang vlog interview sa aktres na si Anna Marin.

Ang naghuhumiyaw na title ng vlog, “EXCLUSIVE! KILALANIN ANG PANGALAWANG PAMILYA NI ‘DA KING’ FERNANDO POE JR.”

Nagkasama sina Fernando Poe Jr. (FPJ) at Anna sa pelikulang Tatak ng Tundo (1978) na tinampukan din nina Joseph Estrada, April Cezar, Paquito Diaz, Van de Leon, Anita Linda, Dencio Padilla, Nello Nayo, Max Alvarado, Dranreb, Bentot Jr. at Divina Valencia, sa direksyon ni Ronwaldo Reyes (alias ni FPJ).

Iconic ang film na iyon na huling pinagbidahan together nina FPJ at Erap.tatak ng tundo

ANNA MARIN MOVIES

Ang most memorable film ni Anna ay Moral (1982) with Gina Alajar, Lorna Tolentino and Sandy Andolong.

Idinirek ito ni National Artist Marilou Diaz-Abaya, sa panulat ni National Artist Ricky Lee.

moral 1982

Gina Alajar, Anna Marin, Lorna Tolentino, and Sandy Andolong in a scene from MoralIsa rin siya sa limang bidang babae ng pelikulang Menor de Edad (1979) na idinirek ni National Artist Ishmael Bernal.

Tampok din doon sina Amy Austria, Chona Castillo, Marilou Uson, at Rio Locsin.

Iyon ang bale launching film ni Anna.

Menor de Edad lead stars: (from left) Marilou Uson, China Castillo, Rio Locsin, Amy Austria, and Anna Marin

Menor de Edad lead stars: (from left) Marilou Uson, China Castillo, Rio Locsin, Amy Austria, and Anna Marin

Disisyete anyos noon si Anna, at iyon ang panahong nagkakilala raw sila ni FPJ sa Bonanza restaurant sa EDSA, Quezon City.

Marami-rami siyang pelikula na kasama si Niño Muhlach o Chiquito.

Kahit dalawang beses na nanirahan si Anna nang matagal-tagal sa U.S. ay binabalikan niya ang pag-aartista.

Nakasama siya sa Kapuso primetime series na Royal Blood at My Guardian Alien. Nag-guest siya sa Magpakailanman last year.

ANNA MARIN ON FPJ

Mahigit isang oras ang vlog ni Julius tungkol sa buhay at pag-ibig ni Anna.

“Ahhmm siyempre, sikat yan, di ba? My God, di ba?! Wow! Superstar yan!” napangiting bulalas ni Anna nang usisain ni Julius Babao kung ano ang first impression niya kay FPJ.

First love ni Anna si Da King, na noong Disyembre 14 ay 20th death anniversary.

Ang maybahay ni FPJ na si Susan Roces ay noong Mayo 20, 2022 pumanaw.

Ngayong 2025 ay balik-GMA Network ang iconic films ni Fernando Poe Jr. sa pamamagitan ng FPJ sa GMA.

Ayon sa press release ng GMA, “The collection of his greatest box-office hits will give his longtime fans and younger audiences a memorable and nostalgic experience.”

Kasama kaya sa line-up iyong Tatak ng Tundo?fpj sa gma

Nag-react ang kanang-kamay ni FPJ na si Susan Tagle sa kanyang FB tungkol sa interview ni Julius Babao kay Anna Marin.

Sabi niya, “Will someone please tell Julius Babao to stop using FPJ to gain an audience! It is simply disrespectful.”

Maging ang aktor na si Dranreb Belleza, na malapit sa pamilya ni FPJ, ay di napigilang mag comment na, “Santee imagine my seething anger.”

Ang “Santee” na tinutukoy ni Dranreb ay si Susan Tagle.

Sabi ng netizen na si Divina Quesada, “using FPJ’s name to gain viewers, what a shame.”

Sabi pa ng isang netizen, “Hay naku patay na wala na sa mundo yung Mr n Mrs FPJ, huwag ng babuyin”

Isang Teena Maria ang nagsabing, “Yes po grabe gingawa nya interviewing peple with No credibility at all. For what for the views.? Napakawalang respeto sa mag asawa.”

Na sinagot ni Susan Tagle ng “all for the money and the publicity.”

Ang sabi nga ng isang Harry Gonzalez sa thread, “Mas bagay na si Julius maging entertainment reporter kaysa sa hard news dahil siya ay Journo-least Babaw.”

Magandang malaman kung papaano madya-justify ni Julius ang ginagawa niya na ikina-react ng mga taong malapit kay FPJ.

Magandang sagutin din ni Julius ang karaniwang pamantayan sa pagpi-feature ng mga istorya: kung bakit ito ginagawa at sino ang nakikinabang dito?

anna marin fpj julius babao

Anna Marin being interviewed by Julius Babao 
Photo/s: Julius Babao Unplugged YouTube

Matindi na rin ang industriya ng vlogging, sa totoo lang.

Lahat ngayon ay nakakalkal para makabuo ng istoryang ipalalabas sa kanilang YouTube channel.

Ang iba ay nag-uunahan pa ng pag-i-interview sa mga artistang matagal nang hindi aktibo sa showbiz.

Nagbabayad pa ang iba para makuha lang nila ang exclusivity ng kanilang subject.

Mataas kasi ang viewership. Marami ang interesado kapag binabalik ang mga dating artista, lalo na kung involved ang isang sikat na artista.

Noong lumabas dati ang interview kay Nova Villa, nabanggit din si FPJ. Tinanong ang beteranang aktres kung totoo bang may anak siya sa Da King of Philippine Movies. Wala naman pala.

Pero lahat na isyung kinasangkutan ng namayapang action superstar ay naungkat nang naungkat.

Hindi mo rin maiwasang umalma ang mga malapit sa mga taong nagagamit para lang umani ng napakaraming views.

Mainit ngayon at muling pinag-uusapan si Pepsi Paloma.

Tingnan ninyo tuloy, nabubuhay muli ang ilang taong may koneksiyon sa namayapang sexy star, kagaya nina Guada Guarin at Gil Guerrero.

Muli silang pinag-uusapan at napapanood sa iba’t ibang YouTube channel.

Ano ang nakuha natin sa inilahad nilang kuwento? May natutunan ba tayo o nakitsismis lang?

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News