Julia emotionally shared about her role: “There’s something healing in me that I think is okay.”

Julia Montes describes Sharon Cuneta as a co-star in Saving Grace

Julia on her role: “May nahi-heal sa akin na akala ko okay na.”
Julia Montes headlines new Prime Video series Saving Grace produced by Dreamscape EntertainmentJulia Montes on doing heavy scenes with Sharon Cuneta: “With Miss Megastar, hindi ako nahirapan, kasi makita ko pa lang yung mata niya, talagang bubuhos na yung emosyon.”Nagbabalik muli sa telebisyon si Julia Montes, sa bagong Prime Video series na Saving Grace, na iprinodyus ng Dreamscape Entertainment, ang maker ng hit series na Linlang.

Anna Sarmiento ang pangalan ni Julia sa drama series. Teacher siya na kikidnap sa isang batang babae para tulungan itong makatakas sa abusadong mga magulang.

Ang Saving Grace ay ang Filipino adaptation ng popular Japanese series na Mother.

Ipapalabas ito sa Amazon Prime simula sa Huwebes, November 28, 2024.

Sa premiere night at mediacon na dinaluhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Julia kung bakit importante sa kanya ang Saving Grace.

Una, na-miss niyang gumawa ng teleserye. Huli siyang nakita sa FPJ’s Ang Probinsyano noon pang 2022.

Pangalawa, malapit sa kanyang puso ang karakter ni Anna.

“Kasi for me, playing the role of Anna, may nahi-heal sa akin na akala ko wala na, akala ko okay na. And then eto na ko, stronger Julia or Mara in real life,” saad ng Kapamilya aktres.

Mara Schnittka ang totoong pangalan ni Julia sa tunay na buhay.

Pagpapatuloy niya, magiging instrumento ang show para maka-recover ang mga taong naging biktima ng child abuse.

“Eto siguro sana maging journey nating lahat kasi being a child abuse survivor or currently going through that, mahirap na walang tao, miski isa na makikinig, maniniwala sa yo o tutulong sa yo,” paliwanag ni Julia.

Tulad ng karakter ni Anna, sana raw ay mas marami pang tumulong sa mga batang inaabuso.

“Kaya yun, sana pag nakakakita tayo ng whatever scenario, don’t be scared to help or even ask are you ok kasi malaking tulong yun sa tao na yun. Let’s just be kind.”

Full cast of Saving Grace

L-R: Directors FM Reyes and Dolly Dulu together with the cast members Eliss eJoson, Sam Milby, Julia Montes, Jennica Garcia, Christian Bables, Eric Fructuoso, and creative manager Danica Domingo.

JULIA MONTES ON PORTRAYING ANNA

Bukod sa pagtulong sa isang child abuse survivor ay may sariling pinagdaraanan ang karakter ni Anna. Naka-relate raw dito si Julia.

“Kasi may ugali po ako, nagwo-wall din ako. So, it’s really hard to open up, specially kapag yun yung takot ko.

“And with Anna, kaya hirap na hirap ako na i-portray yung role, specially the first episode kasi ang hirap magpigil,” saad niya.

Magaling ang child actress na nagpo-portray ng child abuse survivor sa Saving Grace. Siya ay si Zia Grace, na bagong discovery ng Kapamilya network.

Mapapanood sa show ang isang eksena na todo ang hagulgol ni Zia, ngunit kailangang maging nonchalant lamang ang reaksyon ng karakter ni Julia.

“Pag nakita niyo na yung galing ng bata, sobrang inosente, sobrang raw.

“Tapos kapag umiiyak na siya, kailangan kong pigilan na huwag akong madala kasi kailangan maklaro ko sa tao na hindi ako emosyonal na tao, kasi ang dami kong pinagdaanan.

“Walled up akong tao. So ang hirap-hirap nun,” sabi pa ng Kapamilya actress.

JULIA MONTES ON WORKING WITH SHARON CUNETA

Fortunately, naging magaan ang trabaho ni Julia sa show dahil magaling ang kanyang co-actors.

Kasama sa cast ng Saving Grace sina Janice de Belen, Sam Milby, Jennica Garcia, Christian Bables, Elisse Joson at si Sharon Cuneta.

Tinawag ni Julia na very generous na ka-eksena ang one and only Megastar, na una niyang nakatrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Kapag ka-eksena niyo ang isang Megastar, sobrang lalamunin ka ng emosyon, on and off-cam because sobrang generous niya as a person and as an actress.

“So parang , napaka-blessed ko po na mapasama lagi sa casting ng lahat generous,” sabi niya.

Hindi raw siya nahirapan gawin ang mga scenes niya with the veteran actress.

“With Miss Megastar, hindi ako nahirapan, kasi makita ko pa lang yung mata niya, talagang bubuhos na yung emosyon.

“And malalaman niyo sa story, kapag napanood niyo, kung bakit ko sinabi na napaka-generous, kasi umabot sa punto pong hindi ko na kailangan ding mag-motivate.

“Tingnan ko lang siya, iiyak na ako. Kasi ganun siya ka generous as a person. So napakaswerte ko lang talaga.”

Dalawang episodes kada Huwebes ang eere sa Prime Video. Ang Saving Grace ay directed by FM Reyes at Dolly Dulu.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News