John Arcilla, Rica Peralejo react to Maris-Anthony controversy
John Arcilla: “Mukang may isang Kolokoy na nag take advantage ng LAHAT…”
John Arcilla (left) and Rica Peralejo (right) share their thoughts on the cheating controversy involving Maris Racal, Anthony Jennings (center) and his non-showbiz girlfriend Jam VillanuevaIkinalulungkot nina John Arcilla at Rica Peralejo ang pinagdadaanan ngayon ng Kapamilya actress na si Maris Racal.
Ito’y matapos pag-usapan at batikusin ng publiko si Maris dahil sa pagkakadawit niya sa hiwalayan ng ka-loveteam na si Anthony Jennings at non-showbiz girlfriend nitong si Jamela Villanueva.
Noong December 3, 2024, isiniwalat sa publiko ni Jamela ang lihim na relasyon umano nina Maris at Anthony habang sila pa ng aktor.
Bilang patunay, naglabas pa ng screenshots si Jamela ng palitan ng private messages nina Anthony at Maris, kabilang na rito ang ilang maseselang usapan nila.
Indikasyon na nagtaksil sa kanya si Anthony kung kaya’t nagdesisyon si Jamela na tapusin na ang halos pitong taon nilang relasyon.
RICA PERALEJO: “…extreme shame especially for Maris.”
Dahil sa inilabas na screenshots ni Jam, patuloy ngayong pinagpipiyestahan online sina Maris at Anthony.
May mga nagalit kay Maris, at mayroon din namang nakisimpatya dahil sa pagpapahiya sa kanya ni Jamela online.
Kabilang sa mga nakisimpatiya kay Maris ay ang dating aktres na si Rica Peralejo.
Sa magkakasunod na posts sa Threads ni Rica noong Miyerkules, December 4, nagbigay siya ng reaksiyon sa isyung kinahaharap ngayon nina Maris at Anthony.
Katulad ng marami, bumungad din sa social media ni Rica ang post ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jamela, na pinagsimulan kung bakit kinakastigo ngayon ng publiko si Maris.
Ani Rica, nang mabasa niya ang laman ng screenshots ni Jamela ay wala siyang ibang naramdaman kundi awa at hiya para sa panig ni Maris.
Mababasa sa kanyang post (published as is), “Yung totoo, katulad nyong lahat ang bumungad sakin today ay yung mga balita at sa lahat ng ito ay ang nafefeel ko ay extreme shame especially for Maris.
“Hindi ko sinasabing mali siya or tama kung sinuman but that I just know how it feels like to be once young and to do things that might not exactly be favorable in the public eye.”
Naniniwala raw si Rica na lahat ng tao ay may nagawang kamalian sa kanilang buhay, pero ni isa raw sa mga ito ay hindi kailanman ginustong maisambulat sa mundo ang mga pagkakamaling ito, na magiging rason para kutyain sila ng ibang tao.
Ani Rica (published as is): “I also have done foolish things, and I can just imagine na kung may naglabas nung mga yun at ng totoo kong ugali –lalo na if medyo may potensyal na majudge ako ng mga tao ay siguradong mada-down ako kasi wala namang may gusto nun.
“Lahat tayo may mga sides satin na good, bad, etc, and nagkataon lang talaga na sikat sya kaya ang massive nung blow sa kanya.
Kung tutuusin, sa mga kasamaan natin deserve din naman natin mapahiya in that scale, I bet. Ayun lang.”
Diin ni Rica sa huli (published as is): “Gusto ko lang sabihin na wala akong binanggit na cheating dito sa post na to or side because hindi yun ang napag-isipan ko when this was happening.
“Primarily bec no brainer, cheating is a no-no. Walang universe ang pwede mag-excuse nito.
“Also, ang dami kong mali sa buhay na nakaka-relate talaga ako sa shame ni Maris sa pagkasama kong tao pero nakaka-relate din ako na maloko tulad ni Jam. Kaya dun ako nagfocus sa una.”
JOHN ARCILLA: “tingin ko lang mukang may isang Kolokoy na nag take advantage ng LAHAT…”
Katulad ni Rica, nagbigay rin ng opinyon ukol sa isyu ang award-winning actor na si John Arcilla.
Sa Facebook post ni John nitong Huwebes, December 5, sinabi nitong hindi niya binasa lahat ng screenshots na inilabas ni Jamela tungkol sa pagtataksil umano sa kanya nina Anthony at Maris.
Una, ayaw raw niyang manghusga.
Pangalawa, hindi niya ugaling magbasa ng private conversation ng ibang tao.
Saad ni John sa kanyang post (publshed as is): “May nagtanong kasi sakin. Eto sagot ko: AYOKO MANGHUSGA. HINDI KO NABASA LAHAT. Nagsisimula pa lang ako NAKARAMDAM NA AKO NG HIYA SA SARILI KO
“Bat ba ako nagbabasa ng isang private na convo? Sabihin ng OA, pero AWKWARD yung pakiramdam. Hindi ko napanindigang ITULOY magbasa.
“Hindi ko rin sinasabing mali ka kung tinapos mong magbasa, nilatagan ka ng ebidensiya, nag imbestiga ka. Kanya kanyang choice lang naman.”
Ang hindi raw maintindihan ni John, kung may balak magloko si Anthony ay bakit hindi ito nagbura ng messages, gayong alam nitong may access sa kanyang cellphone ang longtime girlfriend.
Aniya (pulished as is): “ITO LANG ANG HINDI KO MAINTINDIHAN: Bakit hindi Binura? May mali eh. Anong Pakay? Parang may plano, parang may Hindi magandang balak.
“Lahat naman tayo dumaan sa pagkabinata pero Hindi ko ma-KUHA na habang may tino-torture kang GF dahil binigyan mo naman ng access sa CP mo (?) sa isang banda May ine-expose ka or may balak ka naman i-Blackmail na isa pang babae (?)
“Parang nasa gitna ng PAG EXPOSE at kunwaring PAG GASLIGHT (?) Parang mayroong laro eh.
“SANA MALI AKO. or gusto na ba kumalas sa gf di lang masabi?”
Dahil sa nangyari, kuwestiyonable raw tuloy ngayon para kay John ang totoong motibo ni Anthony kina Maris at Jamela.
Sabi niya, “May hindi malinaw. Pero kung tama ako. May kabastusan ang motibo. Ibang Klaseng mag-trip.
“May hindi rin sina-alang-alang yung 3rd party, bad trip din yon – pero tingin ko lang mukang may isang Kolokoy na nag take advantage ng LAHAT with confidence and a disguise of being Cool?”
Maris Racal breaks silence amid CHEATING controvesy
Samantala, makalipas ng ilang araw mula sumambulat sa social media ang rebelasyon ni Jamela tungkol sa ginawang panloloko sa kanya, binasag na sa wakas ni Maris ang kanyang pananahimik.
Ngayong Biyernes, December 6, nagdesisyon si Maris na magsalita sa ABS-CBN News para depensahan ang kanyang sarili at ipaliwanag ang kanyang panig.
“Today, I will be speaking from my heart. Lahat ng sasabihin ko ay galing sa puso ko.
“Today I will take accountability for everything. Nagkamali ako and I wanna say sorry for everything that I have done,” pagsisimula ni Maris.
Sumunod nito ay isa-isa nang inilahad ni Maris ang mga kaganapan na nagpalapit sa kanila ni Anthony sa isa’t isa, at naging dahilan ng pakikipag-hiwalay niya sa dating boyfriend na si Rico Blanco.
Pagbabalik-tanaw niya: “It all started last June of 2024. I was in a very dark place.
“I was lonely and I was getting attention from Anthony. The kind of attention that I needed.
“When I sensed that there was this brewing attraction between Anthony and I, nadala ako sa emotions ko. And I knew that was wrong.
“I came clean right away, I told my ex everything and I admitted things to him. And then we broke up.
“It wasn’t easy. It was very hard for me too.
“I announced the breakup.
“The reason why I became emotional during the interview because I was holding back the truth. Yun ang totoo.
“I wasn’t really able to simmer down. I wasn’t able to reflect on what had happened. I was working every day for days, straigh weeks, months straight.”
Inamin ni Maris na totoong nagkapalagayan sila ng loob ni Anthony ngunit hindi raw niya alam na mayroon pa palang nobya si Anthony noong nagkakausap sila ng aktor.
Anthony Jennings (left) and Maris Racal (right).
Photo/s: Netflix Philippines
Ang sabi raw kasi sa kanya ni Anthony ay nakipag-break na siya kay Jam noong mga panahong nakipaghiwalay na rin si Maris kay Rico.
Aniya: “Bago nagsimula yung dami ng trabaho namin, I told Anthony that I broke up with my ex. And he also said the same thing.
“Mind you, I was in a very lonely place. I’m so lonely.
“I was so vulnerable at that time. Like everybody na kaka-break lang, you would be so vulnerable.
“I was working every day at sa lahat ng trabaho na yon, kasama si Anthony.
“Aaminin ko, sa araw-araw na pagtatrabaho namin, nahulog din yung loob ko.
“He would be very sweet to me. He would be such a gentleman to me.
“He would say things to me. He would kiss me on the set in front of other people.
“He would tell all the people who are close to me that he was single.
“So I was confident to act a certain around him on the set, because in the eyes of the people there, we were both single.
Dahil alam ni Maris na parehas na silang single ni Anthony, mas lalo raw naging espesyal ang pagtingin nila sa isa’t isa.
Mas lalo raw nila nakilala ang isa’t isa nang magtungo sila sa Italy para sa shooting ng upcoming series nilang Incognito.
Ngunit pagbalik ng Pilipinas, doon na raw nalaman ni Maris na hindi pala totoong nakipaghiwalay si Anthony kay Jamela.