Jean Garcia’s son Kotaro will debut as a group member..support or real talent?/hi

Jean Garcia’s son Kotaro to be launched as member of boy group

Kotaro Shimizu: “Sobrang thank you po sa lahat na sumusuporta po sa akin.”
Jean Garcia's son to enter showbiz this yearMasuwerte raw si Jean Garcia na nakasama siyang muli sa Book 2 ng Lolong: Bayani ng Bayan na ipalalabas sa GMA Prime simula sa January 20, 2025.

Pero mas masuwerte raw siya sa mga anak niyang sina Jennica Garcia at Kotaro Shimizu

KOTARO TO BE LAUNCHED AS A MEMBER OF A BOY GROUP

Isinama ni Jean si Kotaro sa grand press conference ng Lolong: Bayani ng Bayan na ginanap sa Gateway Mall 2 noong Lunes, January 13.

Naiba ang mood ng aktres nang usisain siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng kolumnistang si Allan Diones tungkol sa bunso niyang anak.Jean Garcia and son Kotaro Shimizu

Jean Garcia and son Kotaro Shimizu

Halatang kinikilig si Jean sa nalalapit na pagpalaot ni Kotaro sa mundo ng showbiz.

Nakangiting banggit ng aktres, “Gusto niya mag-ano, perform, gusto niya dancing.”

Gusto ba niyang mag-artista ang anak?

Sagot ni Jean, “Hindi. Meron siyang ibang gustong… may mga pangarap siya na gusto niya, mag-perform.”

Singit ni Kotaro, “Performer. I’m training for a boy group.”

Pinigilan naman ni Jean si Kotaro na sagutin kung may pangalan na ang boy group na kinabibilangan nito.

Natatawa niyang sabi, “Wala pa. Wala pa nga. Mapapagalitan ako!”

Hudyat itong may management team na ang anak.

Kailan naman ilu-launch ang boy group nina Kotaro?

Sagot ni Kotaro, “Hopefully this year po makikita niyo na po kami mag-perform.”

Mas prayoridad daw ni Kotaro ang pagpe-perform katulad ng sikat na Korean idols na BTS.

Hindi ba niya papasukin ang pag-arte katulad ng kanyang ina at kapatid?

Sagot ni Kotaro, “Probably soon. In the future, after performing siguro po.

“Malay niyo po. May chance po.

“For now po, I wanna establish myself to be a performer — dancer, singer, rapper.”

Dagdag pa niya, “Basta this year, I hope you guys wait and you guys will know.”

Hindi malinaw kung ang boy group na kinabibilangan ni Kotaro ay ilulunsad dito sa Pilipinas o sa South Korea.

Ano ang naramdaman ni Kotaro na may mga fans na siya?

Aniya, “Grabe, sobrang hindi ko ma-explain. Sobrang thank you po sa lahat na sumusuporta po sa akin.

“Sobrang na-appreciate ko po. And grabe po talaga. Thank you po talaga.”

Nag-training ng Korean language si Kotaro noong 2024 para sa kanyang pangarapSamantala, inaabangan na ang muling pagbabalik sa himpapawid ng Lolong: Bayani ng Bayan sa January 20, sa GMA Prime, pagkatapos ng 24 Oras.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News