Vice Ganda teases Kim Chiu about finding new love
Would a face-off be possible for Kim and ex-boyfriend Xian Lim?

Vice Ganda on Kim Chiu wanting to be a dating searchee on It’s Showtime: “Parang gustong sumalang madlang pipol! Abangan natin sa mga susunod na linggo kung sinong espesyal na tao ang uupo dito. Nag-volunteer, e!”
Hindi nakaligtas si Kim Chiu sa panunukso ng It’s Showtime co-hosts tungkol sa pagiging single niya.
Sa segment ng “Expecially For You” ngayong Biyernes, February 9, 2024, pinapayuhan ni Vice ang isang searchee na ipagdasal ang kagustuhan nitong makahanap ng bagong nobyo.
Nagpayo rin ang co-host nilang si Amy Perez na ilista ang mga katangiang hinahanap sa isang lalaki at pagkatapos ay ipagdasal iyon.
“Huwag mahihiya humingi ng kahit ano kay Lord,” dagdag ni Vice.
Maya-maya pa ay biglang humirit ang co-host na si Vhong Navarro na, “Kim saan ka pupunta?”
Hirit ni Kim, “Pray lang ako!”
Dito na nabaling kay Kim ang alaskahan ng grupo.
“Pray tayo with Kim!” hirit ni Vice.
Hinabol nila si Kim na iiwas sana sa tuksuhan.
Nag-lay hands pa sila na waring ipagpre-pray over si Kim.
Pagkatapos ay kinantahan ni Vice si Kim ng “Ang buhay ng isang single ay masayang tunay!”
Sabay bawi rin ni Vice, “Pero serious yun, ha? May the Lord give what your heart desires.”
Naiilang man, sabi ni Kim, “Salamat. Ang layo ng narating! Pero salamat.”
Dagdag ni Vhong, “Nandito lang kami.”
Sabay tukoy ni Kim sa kanyang love life, “In time.”
Natatawa man si Kim sa mga biro ng co-hosts, bakas ang lamlam sa mga mata ni Kim na waring nalulungkot pa rin sa kinahinatnan ng kanyang love life.
KIM CHIU VOLUNTEERS TO BE A DATING SEARCHEE
Pero nagbiro ulit si Kim at sinabihan ang searchee, “Nicole, alis ka nga diyan.”
Natawa si Vice sa hirit ni Kim na willing itong maging searchee sa dating segment ng It’s Showtime.
Ang flow ng segment, maghaharap ang ex-couple para ibahagi ang dahilan ng kanilang breakup.
Pagkatapos ay sa sasaling sa dating search ang isa sa kanila.
Kaya sabi ni Vice kay Kim, “Gusto mo ba talaga?!
“Parang gustong sumalang madlang pipol!
“Abangan natin sa mga susunod na linggo kung sinong espesyal na tao ang uupo dito. Nag-volunteer, e!”
Hindi kaila na kahihiwalay lang ni Kim sa boyfriend of 12 years na si Xian Lim.
Magkatapat pa sa primetime TV ang mga palabas nila. Bida si Kim sa Linlang, na ipinrodyus ng ABS-CBN at umeere sa A2Z at TV5, habang si Xian ay bida sa Love. Die. Repeat. ng GMA-7.
Dahil nasa kabilang istasyon si Xian, humirit si Vice na ang ABS-CBN Production at Star Magic head na si Laurenti Dyogi na lang ang maghahanap ng match para kay Kim.
Natatawang sabi naman ni Kim, “Tama na. Hirap na hirap na ako!”
Hanggang sa kasalukuyan, walang sinasabing dahilan sina Kim at Xian kung bakit sila naghiwalay noong huling bahagi ng 2023.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load