Vice: Sana mabigyan ka ng pagkakataong makabalik sa pag-aaral. 3rd year ka na sana, dalawang taon na lang matatapos mo na ang Sikolohiya (BS Psychology)?
Bea: Yes po
Vice: Sayang. […] Magkano tuition fee mo?
Bea: Yung last ko po, naabutan ko po 34 po (P34K per semester)
Vice: So, P68,000 a year. Wag ka mag-alala, God will find a way. […] Let’s talk..
Bea: (Cries)
Vice: Gusto mo mag-aral? Kasi kailangan gusto mo kasi hindi pwedeng gusto ng ibang tao. May mga pwedeng tumulong sayo pero kung yung sarili mo wala namang interes, masasayang ang tulong. Kaya kinakausap ko yung mga tinutulungan namin na ‘siguradohin mong hindi mo sasayangin to ha kasi kung sasayangin mo lang, sa iba na lang namin ibibigay kasi napakaraming nangangailangan nito’. Hindi naman ako bilyonaryo, hindi naman ako government official, I am just trying to help in my own way. Dalawang taon nalang naman na yan diba? Gusto mo?
Bea: Yes po.
Vice: Gaano mo ka-gusto?
Bea: Gustong gusto po (cries). Ngayon po, kunwari po yung mga kasabayan ko, pagnakikita ko po yung stories nila, naiinggit po ako. Parang gustong gusto ko na rin po kaso nga yung situation po.
Vice: Biktima ka kasi eh. Hindi mo yan pinili, hindi mo yan ginusto. At ayokong iyakan mo nalang ang pangarap mo, tutulungan kita diyan. Halika dali… I WILL SEND YOU BACK TO SCHOOL
Courtesy: Youtube/ It’s Showtime
Context: Nagkaroon ng cancer ang kapatid ng nanay ni Bea at para makatulong sila para matustusan ang pagpapagamot nito, isinakripisyo muna ni Bea ang pag-aaral sa kolehiyo. Napakabuti ng puso ng mag-ina kaya talagang super deserve din nila yung tulong.
Bless your heart meme Vice. Si Bea ay isa lang sa napakarami mo ng natulungan sa pag-aaral. Sabi nga ng isang netizen sa comment section: “literal na, hiniheal niya yung inner child niya sa mga taong gustong makatapos ng pag aaral! ” That is why you are so blessed.