HOT: Robin Padilla submits bill to protect endorsers from investment fraud, this causes a big controversy among netizens…/hi

Robin Padilla files bill to protect endorsers vs investment scams

Padilla says bill aims to protect celebrity endorsers like Neri NaigPhoto of Sen. Robin Padilla and Neri-Naig MirandaIsinumite ni Senator Robin Padilla sa Senado noong December 4, 2024 ang Senate Bill No. 2899—na sakaling maging ganap na batas—ay magkakaloob ng proteksiyon sa mga celebrity endorsers, gaya ni Neri NaigNaghain si Senator Robin Padilla ng Senate Bill (SB) No. 2899 na naglalayong maprotektahan ang celebrity endorsers na masangkot sa mga illegal investment scam.

Ang panukalang batas ay isinumite ni Padilla, chairman ng Senate Public Information and Mass Media Committee, sa Senado noong December 4, 2024.

Ayon sa senador, layunin ng SB 2899 o Product Endorsers Protection Act, na huwag nang maulit ang nangyari sa dating aktres na si Neri Naig-Miranda.

Inaresto si Neri dahil sa diumano’y kasong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code.

Photo of Neri Naig-Miranda

Recent events reveal a growing concern for the welfare of endorsers whose names are dragged into various investment scams,” pahayag ni Padilla sa ginanap na press conference matapos maisumite ang panukalang batas.

Dagdag pa niya, “Oftentimes, they are the first ones to be accused of crimes related thereto just because their names and faces were made prominent by companies who secured their services as endorsers.”

Sa ilalim ng SB 2899, lahat ng kasunduan sa product endorsement ay kailangang may full disclosure kung ano ang nature ng negosyo.

Kailangan ding alam ng endorser ang lahat ng produktong sakop ng endorsement.

Layunin din ng panukalang mabigyan ng proteksyon ang endorsers sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mandatory provisions sa kanilang engagement agreements na malinaw na tutukuyin — hindi lang ang kanilang obligasyon — kundi ang pinakamahalaga, ang kanilang kaugnayan sa kompanya at ang kanilang “non-involvement in any sale of investment contracts and securities if the latter is engaged in such business.”

Ang kasunduan sa pagitan ng endorser at ng kumpanya ay kailangan ding may “categorical statement” kung ang negosyo ba ay nagbebenta rin ng investment contracts and other

LIABILITIES OF ENDORSERS AND THE COMPANY

Nakasaad din sa panukalang batas ni Padilla na sakaling ang business or venture ay nagbebenta rin ng investment contracts or other securities, kailangang may malinaw na prohibition sa parte ng endorser na maging bahagi siya ng promotion or sale, “thereof with an expectation to receive profits or commissions if the same is not a licensed broker.”

Ayon pa sa panukalang batas, “Businesses or ventures engaged in the sale of investment contracts and other forms of securities shall refuse to accept investments obtained through the efforts of any endorser if the same is not a registered broker.”

Samantala, ang endorsers na nire-represent ang kanilang sarili bilang agents ng anumang business or venture na unauthorized magbenta ng investment contracts and other forms of securities ay mananagot sa anumang claims na ihahain laban sa kanila.

Ang mga negosyong lalabag ay papatawan ng PHP100,000 multa sa unang paglabag; PHP300,000 sa ikalawa; at PHP500,000 hanggang PHP1 million at pagkansela sa Certificate of Registration para sa ikatlong paglabag

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News