Vice Ganda in tears talking about constant bullying of his partner Ion Perez online
Vice Ganda verbally expresses how much he is proud of partner Ion Perez.

Vice Ganda on partner Ion Perez: “Alam ko kung gaano siya sinasaktan ng social media. Every day he’s being judged. Kung ano siya, saan siya galing, paano siya magsalita, ano na ang nakikita sa kanya, yung klase ng relasyon na meron siya…”
Tungkol sa responsableng paggamit ng cell phone ang tema ng “Magpasikat” production number ng grupo nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez o Team JKI na napanood sa It’s Showtime ngayong Biyernes ng tanghali, Nobyembre 10, 2023.
Ang karakter na ginampanan ni Ion ay isang waiter na nagkaroon ng viral video at binatikos ng publiko kahit hindi nila alam ang puno’t dulo ng kuwento.
Naging madamdamin ang palabas ng Team JKI dahil sa wagas na pagluha ni Ion sa eksenang kinakausap niya kunwari sa cell phone ang kanyang kapatid na babae na namatay dahil sa Stage 4 cancer.

Nakiiyak kay Ion ang manonood habang nagsasalita siya at humihingi ng tawad sa nanay niya na nasa audience gallery ng It’s Showtime at hawak ang larawan ng kanyang sumakabilang-buhay na kapatid.
“Gusto ko lang sabihin sa yo na pasensiya na kung napagsusungitan kita minsan, nakakasagot ako sa yo.
“Siguro alam mo naman yung nangyari sa akin, di ba? Sasabayan pa ng pagkawala ni Ate kaya sana, mapatawad mo ako,” umiiyak na paghingi ng dispensa ni Ion sa kanyang ina na lumuluha rin dahil sa mga pahayag niya.

Pagpapatuloy ni Ion, “At sa ate ko na hindi na namin kapiling, gusto ko lang sabihin sa yo na maraming-maraming salamat sa tulong, sa ipinaramdam mo, sa sakripisyo mo na hindi ko na nasuklian.
“Nami-miss na kita, Ate… Mahal na mahal kita, hanggang sa muli. I love you, Ate.”
Hindi nagkaroon ng sariling pamilya ang ate ni Ion dahil ibinuhos nito ang panahon sa pag-aalaga kay Ion at sa ibang mga kapatid niya.
Nagpatuloy ang pagluha ni Ion nang pasalamatan nito ang kanyang ina at mga kapatid na pumunta sa studio ng It’s Showtime para personal na panoorin ang pagtatanghal nila nina Kim at Jhong.
“Maraming-maraming salamat sa inyo. Wala, wala na yung proud sa akin na…” sabi ni Ion, na muling binanggit ang pumanaw na kapatid.
“Sa tuwing nakikita niya ako sa TV, araw-araw tumatawag yan, ‘Proud na proud ako sa kapatid ko, si Noy. Mabait na bata…’
“Sa panahong ramdam ko na yung tao galit lahat sa akin, siya lang yung tao na naniniwala na hindi lingid sa akin kaya…”
Hindi na natapos ang pagsasalita ni Ion dahil tuluyan nang nadala ng kanyang emosyon.
Iyak din nang iyak si Vice Ganda habang pinapanood at pinapakinggan ang mga sinasabi ng kanyang karelasyon.

Muling ipinamalas ni Vice ang dakilang pagmamahal niya kay Ion nang magsalita siya tungkol sa araw-araw na online bullying na nararanasan ng kanyang minamahal.
Nag-umpisang maging biktima si Ion ng mga panghuhusga nang isapubliko nila ni Vice ang kanilang relasyon na nagsimula noong 2018.
Ang labindalawang araw na suspensiyong ipinataw ng MTRCB sa It’s Showtime dahil sa cake-icing incident na kinasangkutan nina Ion at Vice ang isa sa mga pinakamatinding pagsubok na pinagdaanan ng dalawa.
Pahayag ni Vice tungkol sa online bullying na nararanasan ni Ion, “Araw-araw kasama ko yan. Alam ko kung gaano siya sinasaktan ng social media.
“Every day he’s being judged. Kung ano siya, saan siya galing, paano siya magsalita, ano na ang nakikita sa kanya, yung klase ng relasyon na meron siya…
“Everyday he’s being judged.
“Araw-araw, lumalaban yan. Araw-araw nasasaktan kaya….
“Basta hindi ninyo alam kung anong epekto nito kay Ion at sa akin.
“Ang alam ninyo lang, yung alam ninyo. Ang nakita ninyo lang, ang nakita ninyo, pero hindi ninyo talaga alam.”
Mensahe pa ni Vice kay Ion: “Kaya araw-araw, di ba, sabi ko sa yo, araw-araw mamahalin kita. Kakampihan kita araw-araw.
“Araw-araw, kakampihan kita araw-araw. Ipagdadasal kita araw-araw. Yayakapin kita araw-araw.
“Dadamayan kita araw-araw. Araw-araw, sasamahan kita… sasamahan kita.
“Mahal na mahal kita. Proud na proud ako sa yo. Proud na proud ako sa yo.”
Masaganang luha ang pumatak mula sa mga mata ni Vice dahil sa magkahalong awa at pagmamahal na nararamdaman niya para kay Ion.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load