Nagkaroon ng diskusyon sina Vhong Navarro at Kim Chiu. Sa segment na “Expecially For You” ng ‘It’s Showtime’ napag-usapan ang isyu ng pakikipagbalikan sa ex.
Sey ni Vhong kay Kim: “Di ba nilaban mo naman, tapos nawala. Pero pag gusto pang bumalik, papayagan mo pa bang bumalik?”
Nagbigay naman ng kanyang honest na sagot si Kim.
Aniya, siya raw iyong tipong kapag iniwan na ng dyowa ay hindi na nagbibigay pa ang ikalawang pagkakataon.
“Ako kasi yung taong pag iniwan na ‘ko… Ba’t mo ko iniwan, di ba? So hindi na,” makahulugan niyang tugon.
Gayunpaman, nagbigay naman siya ng pasubali pagdating sa ibang tao.
Naniniwala rin kasi siyang ang bawat paghihiwalay ay may iba’t-ibang dahilan at sirkumstansya.
“Iba- iba naman yan, saka kapag andun ka na, hindi mo talaga masasabi. Wala talagang makakapagsabi kung ano ang magiging desisyon mo kapag nandun ka na. Today, iba sagot mo. Kahapon, iba. Baka bukas iba, di ba?” dagdag niya.
Dahil sa kanyang naging kasagutan, feeling ng kibitzers, malabo na silang magkabalikan pa ng ex na si Xian Lim lalo pa’t natsitsikang may ipinalit na ang huli sa kanya.
Ito naman ang ilang hirit ng mga sawsawera at katkatera.
“Naku, iyon na!”
“Oo nga naman. Bakit babalikan mo pa ang cause ng heartbreak mo?”
“So, wala nang balikan.”
“Okey lang iyon. Kimmy deserves better.”
“Nandiyan naman si Pau.”
“@chinitaprincess, deserve mo ng lalakeng seseryosohin ka at pakakasalan.”
“Nag-display na ng kapalit iyong isa. Ano ba? Asa pa ba ng reconciliation?“