HOT NEWS: Napaluha si Kim Chiu at nagpadala ng nakakasakit na mensahe sa It’s Showtime family matapos masuspinde ng MTRCB, nag-aalala ang fans/hi

Kim Chiu, may mensahe sa kanyang It’s Showtime family kasunod ng 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB sa programa nila

Kim Chiu to her It's Showtime family: "[M]ahal ko kayong lahat!!!! [Red heart emoji] ano man ang mangyari basta’t magkakasama tayo. Together as One!"

Nagbigay ng maikling mensahe ang actress-TV host na si Kim Chiu sa kanyang mga kasamahan sa noontime show na It’s Showtime.

Kasunod ito ng desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kahapon, September 4, para sa kanilang programa.

Sa inilabas kasing desisyon ng ahensya, pinapatawan nito ng 12-day suspension ang It’s Showtime dahil sa patung-patong umanong violations.

Dahil sa malungkot na desisyon na ito para sa nga taga-It’s Showtime, nagpahayag ng pagmamahal si Kim sa mga kasamahan sa show  na idinaan niya sa na kanyang Instagram account .

Aniya, malalagpasan nila ang challenge na ito basta magkakasama sila.

“FAMILY! [White, red, blue, green, and violet hearts emojis] @itsshowtimena family mahal ko kayong lahat!!!! [Red heart emoji] ano man ang mangyari basta’t magkakasama tayo. Together as One! [White heart emoji],” maikling pahayag ni Kim with matching hashtags #GiftOfFamily  #GiftOfMakingPeopleHappy.

Kalakip nito ang series of photos nilang mga hosts ng programa.

Kahapon lumabas ang desisyon ng MTRCB sa It’s Showtime dahil sa mga violations umano ng ilang hosts, partikular na ang diumano’y indecent manner nina Vice Ganda at Ion Perez sa segment nilang Isip Bata.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagkain nina Vice at Ion ng icing sa nasabing segment dahil ginawa umano nila iyon sa harap ng mga kasama nilang bata.

Bukod pa roon, nakasaad din sa inilabas na desisyon ng MTRCB na makailang beses na nilang na-warning-an ang noontime show dahil sa mga “explicit words” na nabanggit ng mga hosts sa magkakaibang okasyon.

Samantala, as of this writing ay umeere pa rin sa telebisyon at online ang It’s Showtime.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News