HOT NEWS: Ms. Lolit Solis REVEALS that Paulo Avelino has enough qualifications to be able to flirt with Kim Chiu, the only reason that makes fans curious../hi - News

HOT NEWS: Ms. Lolit Solis REVEALS that Paulo Aveli...

HOT NEWS: Ms. Lolit Solis REVEALS that Paulo Avelino has enough qualifications to be able to flirt with Kim Chiu, the only reason that makes fans curious../hi

Palagay ni Lolit Solis, puwede nang manligaw si Paulo Avelino kay Kim Chiu

Dahil sa tila sunod-sunod na balita tungkol sa hiwalayan ng mga celebrity couples, maging ang veteran showbiz writer/insider at talent manager na si Lolit Solis ay nalilito na umano. However, tila pabor siya sakaling magkaligawan ang tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu.

PHOTOS: @akosilolitsolis & @kimpauarchives on Instagram

Dahil sa tila sunod-sunod na balita tungkol sa hiwalayan ng mga celebrity couples, maging ang veteran showbiz writer/insider at talent manager na si Lolit Solis ay nalilito na umano. However, tila pabor siya sakaling magkaligawan ang tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu

Tingin ng veteran showbiz writer/insider and talent manager na si Lolit Solis, pwede nang ligawan ni Paulo Avelino ang nali-link ngayon sa kanyang si Kim Chiu.

Tutal naman daw kasi ay ikinasal na ang dati nitong nakarelasyong si LJ Reyes na nanay ng anak niyang si Aki.

(Last October 2023 nang ikasal si LJ sa non-showbiz partner nito na si Philip Evangelista sa US.)

Single na rin naman kasi si Kim ngayon dahil natapos na ang almost 12 years na relasyon nila ni Xian Lim.

Bukod pa roon, maganda ang naging pagtanggap ng fans sa tambalan nina Paulo at Kim sa Kapamilya thriller-drama series na Linlang na agad masusundan ng romcom K-drama adaptation na What’s Wrong With Secretary Kim?

“Siguro Salve dahil happily married na si LJ Reyes sa USA kaya puwede nang lumigaw kay Kim Chiu si Paulo Avelino. Balita kasi na nagkakalapitan na ang loob ng dalawa,” pahayag ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post today, February 15.

Kalakip pa nga nito ang photo ni LJ at husband nitong si Philip na kinunan noong araw na ikinasal sila.

Saad pa niya, wala raw siyang nakikitang problema rito kung sakali dahil napapabalita na rin naman umano na may bagong babae nang nali-link sa ex-boyfriend ni Kim na si Xian Lim.

“Wala naman problema dahil meron narin daw bagong girl si Xian Lim,” katwiran niya.

(At bagamat hindi umamin na break na rin daw sina Paulo at Janine Gutierrez.)

Gayunpaman, kung siya ang tatanungin ay nalilito rin daw siya sa hiwalayan ng mga artistang magkakarelasyon.

“Parang merry go round talaga ang nangyayari sa love affair ng mga stars natin kaya kung minsan nakakalito na,” pag-amin ni Manay Lolit.

“Para na ngang ang liit ng mundo kaya sila sila din ang nagkikita. Lalo pa nga ngayon na halos sa TV na lang ang trabaho dahil nga kokonti o wala na halos gumagawa ng movies,” pagpapatuloy niya.

Ayaw umano niya ang mga balitang naghihiwalay ang mga matatagal nang magkasintahan tapos maghahanap ang mga ito ng bago nilang makakarelasyon.

“Naku Salve at Gorgy hindi ko feel na bigla mabalitaan iyon mga alaga natin may mga lovelife na nakakagulat ha, kaloka at hindi bongga [Weary face emoji] #classiclolita #ctto,” pagtatapos niya.

Pero dahil naghiwalayan na nga, pabor na siya ngayong magkaligawan ang onscreen tandem nina Kim at Paulo.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…