HOT NEWS: Mabagsik ang naging reaksyon ng abogado ng complainant sa paglaya ni Neri Naig, ang ugali ni Neri ay ikinagalit ng kanyang mga kalaban…

Complainants’ legal counsel reacts to Neri Naig’s release

Neri Naig released from hospital yesterday, December 4, 2024.
Lawyer of the complainants admits to technicality following the release of Neri NaigAtty. Roberto Labe (left), legal counsel of the complainants in Neri Naig (right) case, accepts Pasay City Regional Trial Court’s decision to quash the warrant of arrest of actress-businesswoman. Both camps will undergo a 60-day reinvestigation of the complaintsNadale sa teknikal na aspeto ang pag-iisyu ng warrant of arrest sa negosyante at dating aktres na si Neri Naig Miranda.

Ito ang pagbubunyag ni Atty. Roberto Labe, abogado ng mga naghain ng kaso laban kay Neri sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112.

Sa panayam sa kanya nina Doris Bigornia at Alvin Elchico sa TeleRadyo Serbisyo ngayong Huwebes, December 5, 2024, nagbahagi ng kanyang reaksiyon ang abogado sa pansamantalang pagpapalaya kay Neri.

Saad ni Labe, “Unang-una po ay kasama o kabahagi po yan ng proseso ng ating batas kaya po ay okay lang naman sa amin yung siya po ay pansamantalang nakawala.”

Ano ang sabi ng kanyang mga kliyente?

“Ito po ay aking naipaliwanag naman sa kanila kung bakit po sa naging order ng ating korte sa Pasay City, malugod naman po nila itong naintindihan at tinanggap,” tugon ng abogado.

Neri Naig released from hospital

LAWYER TALKS ABOUT THEIR NEXT MOVE ON NERI NAIG CASE

Ano ang susunod nilang hakbang matapos payagan ng korte na makalabas si Neri sa piitan?

Saad ni Labe, “Ayon po sa order po ay magkakaroon po ng preliminary investigation na kung saan siya po ay pinagbigyan ng korte na makisali doon sa preliminary investigation katulad po ng normal na proseso.

“Sapagkat yun po yung sinasabi ng kanyang mga abogado na hindi daw po siya nakasali sapagkat hindi raw po sila nakatanggap diumano ng complaints.”

Ibig bang sabihin nito ay back to square one sila?

Paglilinaw ng abogado, “Hindi naman po siya back to square one kasi kung makita po ninyo ang order, ang ibinasura lang naman po ng judge ay ang warrant of arrest.

“Pero yung pag-issue po niya ng information ay hindi naman po. Nananatili po yung information.

“At ang binigyan lang po ng 60 days na reinvestigation dun sa mismong kaso, magkaroon lang po ng preliminary investigation for 60 days.”

WHY WAS NERI NAIG RELEASED?

Naitanong din kay Atty. Labe kung bakit napalaya si Neri gayong non-bailable ang syndicated estafa case na kinakaharap nito.

Paliwanag nito, “Ito po ay dahil sa proseso na diumano ay hindi po siya nakatanggap ng complaint at hindi siya nakapag-file ng kanyang counter-affidavit.

“Ito po ay constitutional right ng bawat akusado kung saan dapat po sila ay nakapag-participate sa level po ng piskalya.

“So, yun po ang idinidiin ng kanyang mga abogado.

“At dahil po dito ay nakita naman ito ng judge at nakita ko rin sa mga clients ko, na ayon sa mga documents na isinumite ng piskalya sa korte ay wala nga hong patunay na sila ay nakatanggap nung complaint-affidavit na yun yung finile namin sa kanila sa level ng piskalya

“So, naiintindihan naman po namin kung kaya ito po ay na-remand sa level ng piskal.”

Na-teknikal ba sila?

Pag-amin ni Labe, “Tama po kayo, yun po yung… yun po yung actually ang order ng korte.”

CHITO MIRANDA was right all along about his claim

Lumalabas ding tama ang sinabi ni Chito Miranda, asawa ni Neri, na walang alam ang kanilang kampo sa mga reklamong kinakaharap ng dating akres bago ito maaresto.

Sa post ni Chito sa Facebook noong November 27, 2024, sinabi niyang wala silang natanggap na anumang abiso at subpoena para sa kinahaharap na mga kaso ni Neri. Bigla na lamang daw inaresto ang kanyang misis.

Bahagi ng post niya: “Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.

“Kinasuhan sya ng mga nabiktima.

“Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.

“Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.

“Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso)

“Anyway, dinampot na lang sya bigla.

“(Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.)

Samantala, umaasa naman ang abogado ni Neri na si Atty. Aureli Sinsuat na mabigyan sila ng patas na pagkakataon para sagutin ang lahat ng mga akusasyong ibinabato sa kanyang kliyente.

Bahagi ng kanilang pahayag, “The reinvestigation will provide an opportunity for Neri to respond to the allegations against her. We are hopeful that the reinvestigation will clear Neri of any wrongdoing in the Dermacare/Beyond Skin Care Solutions case.

“This development marks an important step toward resolving the matter fairly and justly

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News