Kaila Estrada earns praises for Can’t Buy Me Love acting
Netizen: “Anak nga ka talaga ni Janice at John.”
Kaila Estrada (in blue top) earns praise for her breakdown and confrontation scene as Bettina in Can’t Buy Me Love.
Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng Kapamilya actress na si Kaila Estrada sa walang tigil na papuring natatanggap niya mula sa netizens at televiewers ng Can’t Buy Me Love.
Mula noong Lunes, May 6, 2024, hanggang ngayong Miyerkules, May 8, patuloy na usap-usapan sa social media ang intense at nakakaantig na pagganap ni Kaila bilang Bettina sa ABS-CBN prime time series na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
SPOILER ALERT!
Sa episode ng Can’t Buy Me Love noong May 6, nabunyag kung sino ang pumatay sa biological mother ni Caroline (Belle Mariano) na si Divine (Shaina Magdayao), na siyang pinagsimulan ng gulo sa pamilya Tiu.
Ito’y walang iba kundi ang half-sister ni Caroline, si Bettina Tiu (Kaila).
Natuklasan ding si Bettina ang nag-utos na patayin ni Mang Ibe (Cris Villanueva) ang ina ni Bingo (Donny Pangilinan) na si Annie (Ina Raymundo) dahil sa paghadlang nito sa kanyang mga plano.
Sa pagkabunyag ng katotohanan, kinumpronta si Bettina ng kanyang pamilya—amang si Wilson (Rowell Santiago), inang si Cindy (Agot Isidro), at mga kapatid na sina Irene (Maris Racal), Charleston (Albie Casino), at Carlo (Joao Constancio).
Sa puntong iyon ay balak na ring patayin ni Bettina sina Caroline at Bingo.
Sa kanilang paghaharap-harap, emosyunal na binalikan ni Bettina ang naranasan niyang pighati at pangungulila sa kanyang pamilya na nagtulak sa kanya para magtanim ng sama ng loob at maghiganti.
Narito ang ilang linyang binatawan ni Kaila bilang Bettina sa kanyang mga magulang na nagpaantig at nagpabilib sa netizens:
I’m not strong. But I tried to be because I had to. I had no one else.
“Kung hindi si Caroline si A-hia [Albie] yung lagi mong hinahanap kahit na siya ang unang tumalikod sa pamilya natin.
“Even you, Mama, noong bumalik dito si A-hia ni isang beses wala akong narinig na masama from you.
“Kahit si Irene, kahit anong sakit ng ulo ang dinadala niya sa pamilya natin, iniintindi niyo pa rin siya.
“Of course, Carlo, yung unang-unang nakakuha ng mataas na position sa GLC, kahit na alam nating lahat na mas magaling ako sa kanya.
“Pero noong ako na, anong ginawa niyo, pinalayo niyo ako. Pinadala niyo ako sa Amerika, mas inintindi niyo pa yung eskandalo ng GLC kesa sa akin.
“I needed my family to be there for me, pero pinalayo niyo ako.”
NETIZENS REACT TO KAILA’S PERFORMANCE
Sa social media, partikular na sa X (dating Twitter), mabilis na nag-trending ang pangalan ni Kaila dahil sa eksenang ito.
Marami sa netizens ang naantig at bumilib sa anila’y tagos sa pusong linyang binitawan ni Kaila, maging sa gawi kung paano niya ito dineliver
Sa pagkabilib, may ilang netizens ang nagsabi na sa husay na ipinakita ni Kaila ay hindi raw kataka-taka na anak nga siya ng award-winning actors na sina Janice de Belen at John Estrada.
Saad naman ng isa, “could never catch me fully watching a donbelle film since their acting aint really my cup of tea, but, damn, this ep ate so bad. kaila estrada, u will always be my favorite nepo baby. dare i say, she a gem in the acting industry.”
Sabi ng isa, “I couldn’t stress enough how good this confrontation scene was. Kaila Estrada definitely ATE this one; I couldn’t even hate her, all I see is a wounded child. Ramdam ko ‘yong pain of being neglected by your own parents. PS. acting’s not cringey. KUDOS!.”
Papuri pa ng isa niyang fan, “OH BETTINA YOUNG TIU! You never failed to amaze us. You really deserve an award for such a perfect portrayal. KUDOS TO YOU miss @KAILAestrada”
“You are a gem in this industry @KAILAestrada ang galing galing mo could easily sweep the major acting awards,” dagdag pa ng isa.
KAILA THANKS FANS FOR APPRECIATING HER
Nakarating naman agad kay Kaila ang mga positibong reaksiyon sa kanyang natatanging pagganap sa Can’t Buy Me Love.
Nitong May 6, nag-tweet si Kaila para magpasalamat sa lahat ng napasaya at naka-appreciate sa kanyang ginawa.
Mababasa sa tweet niya (published as is), “Nakapag charge na ako! Reading all your tweets, Maraming Salamat [red heart emoji] …. And sorry na rin [peace sign emoji].”
Nakapag charge na ako! Reading all your tweets, Maraming Salamat ❤️ …. And sorry na rin ✌🏼
— Kaila Estrada (@KAILAestrada) May 6, 2024
Dagdag pa niya, “I just want you to know that, I will always be your Achi.”
I just want you to know that, I will always be your Achi ❤️
— Kaila Estrada (@KAILAestrada) May 8, 2024
Hindi ito ang unang beses na nag-trending si Kaila dahil sa kanyang acting.
Nag-trending na rin siya sa Linlang dahil sa natatangi niyang pagganap sa karakter bilang si Sylvia.