Kathryn, Kim pinagsasabong pa rin sa isyung isnaban
Naku, mukhang kahit ilang araw na ang lumipas, hindi pa rin humuhupa ang pagsasabong ng mga faney nina Kim Chiu at Kathryn Bernardo sa social media!
Patuloy ang bakbakan online matapos kumalat ang isang video mula sa audience ng βASAPβ kung saan tila hindi nag-usap sina Kim at Kathryn nang magkasama onstage.
Si Kim na isa sa mga main hosts ng show, at si Kathryn na bumisita kasama ang cast ng kanilang pelikula, ay inasahang mag-e-engage sa isaβt isa, pero sa video ay ibang tao ang kanilang kinausap habang nasa entablado.
Dahil dito, nagsimula ang pagkukumpara ng mga faney sa mga narating ng bawat aktres, pati na ang mga endorsements at career milestones nila. Kaloka, ha! Talagang walang nakaligtas sa usapan ng kani-kanilang tagasuporta.
Sa kabila ng isyung ito, tila sinagot naman ni Kim ang mga haka-haka sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Facebook ng isang clip kung saan makikitang nagyakapan muna sila ni Kath bago siya umalis sa stage.
Isang fan din ang nagkomento na minsan ay hindi naman talaga problema ng mga aktres ang ganitong isyu kundi ng ilang mga faney na pilit na pinagsasabong ang kanilang mga idolo.
Parehong kilala sina Kathryn at Kim bilang mga prime actresses ng industriya ngayon at wala na silang dapat pang patunayan. Talagang queens sila in their own right, kaya naman mas maganda siguro kung tangkilikin na lang natin sila nang sabay at suportahan ang kababaihan.