HOT: Marian Rivera is frustrated when it comes time to work with Heart Evangelista again/hi

Sa mga humihiling na magkaroon s’ya ng collab with Heart Evangelista, sinabi ni Marian na game s’ya sa posibilidad na ito. “In time, for sure, magkikita kami n’yan…in time. Marami pang pagkakataon,” sabi n’ya.

Game daw ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na makatrabaho ang fellow Kapuso actress and international fashion icon na si Heart Evangelista.

Sinabi n’ya ito nang makausap s’ya ng entertainment press sa launching n’ya bilang celebrity ambassador ng beauty brand na Luxe Skin nitong November 15.

Natanong kasi s’ya ng press people about the renewed friendship nila ni Heart na ikinatuwa ng kanilang mga fans.

Nag-trending pa nga kamakailan sa social media ang pag-follow nila sa Instagram account ng isa’t isa.

More than a decade na rin kasi mula nang magkaroon sila ng misunderstanding ni Heart at masaya raw s’ya na sa wakas ay natuldukan na ito.

“My heart is happy tapos nandu’n ako sa peaceful…na finally…everything in God’s perfect time,” lahad ni Marian sa press.

Mga kaanak at malalapit na kaibigan umano nila ang naging daan para ma-rekindle ang kanilang friendship.

Dahil doon, madalas na raw silang mag-usap ni Heart pero tumanggi na si Yan na i-tsika pa kung ano ang pinag-uusapan nila.

Siguro, kung ano man ’yong pinag-uusapan namin behind, ibalato n’yo na lang sa’min ’yon kasi it’s too personal for us,” hiling n’ya sa press.

Marian Rivera game makatrabahong muli si Heart Evangelista

 

Ang mahalaga naman daw ay reconnected na silang muli.

“Sa buhay natin ngayon mas masaya na peaceful ka araw-araw at wala kang iniiwasan. Sabi ko nga, mabait talaga ang D’yos. Ibibigay N’ya talaga sa’yo ang makakabuti sa’yo,” pagbabahagi pa ni Marian.

At dahil in good terms na silang muli, natanong pa si Marian kung may posibilidad ba na mag-collab sila ni Heart sa mga ginagawa nilang online content.

Parang parehas yata kaming ’di na natutulog. Kasi ako, hindi na rin ako natutulog,” natatawang sabi ni Marian na nahihilig sa pagti-TikTok.

Pero in time, for sure, magkikita kami n’yan…in time. Marami pang pagkakataon,” saad pa n’ya.

E, game naman kaya s’ya kung magsama silang muli sa isang proyekto?

“Why not? Oo naman. Sure,” kaagad na sagot ni Marian.

Matatandaan na noong 2011 nang magkaroon ng misunderstanding sina Marian at Heart habang ginagawa nila ng remake movie ng Temptation Island. 

Mula noon ay hindi na sila nagpansinan hanggang recently nga ay napabalitang nag-follow-an na sila sa Instagram.

Samantala, busy ngayon si Marian sa upcoming teleserye nila ni Gabby Concepcion na Against All Odds na ipalalabas sa susunod na taon, at sa pelikula nila ng mister n’yang si Dingdong Dantes under Star Cinema na Rewind na kalahok naman sa Metro Manila Film Festival ngayong December.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News