HOT: Jose, Mergene confess about the challenges in their relationship. Mergene said she loved Jose and did this to confirm one thing…

Jose, Mergene open up about challenges in their relationship

Mergene says she asked for signs if she should continue relationship with Jose.
Mergene Maranan and Jose ManaloAkala nga po namin hindi na po mangyayari,” says EB Babes dancer Mergene Maranan about recent wedding to Eat Bulaga! host Jose ManaloMaraming pinagdaanang pagsubok ang pagsasama ng Eat Bulaga! host na si Jose Manalo, 58, at EB Babes dancer na si Mergene Maranan, 37, bago sila humantong sa kasalan.

Ginanap ang kanilang star-studded wedding sa Boaracay noong December 17, 2024.

Dinaluhan ito ng kani-kanilang mga mahal sa buhay at mga malapit na kaibigan, sa pangunguna ng Eat Bulaga! Dabarkads.

Hindi masyadong bukas sa publiko ang relasyon nina Jose at Mergene, na posibleng nagsimula noong bahagi pa ng Eat Bulaga! ang EB Babes.

Regular host sa programa si Jose habang ang EB Babes ay ang all-female dance group na binuo ng Eat Bulaga!.

Ibinunyag ni Jose na araw ng kanyang kaarawan noong February 2024 nang mag-propose siya kay Mergene habang nakabakasyon sila sa Boracay.

JOSE-MERGENE RELATIONSHIP WENT THROUGH CHALLENGES

Sa “Bawal Judgmental Ka Ba?” segment ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, January 4, 2025, ibinahagi nina Jose at Mergene ang pinagdaanan ng kanilang relasyon.

Lahad ni Mergene, “Marami po kaming pinagdaanan sa relasyon. Hindi po perfect yung relasyon namin.

“Five years ago may problema kami na pinagdaanan…”

Pero hindi idinetalye ni Mergene kung ano ang hamon na hinarap ng kanilang pagsasama.

Sumunod na ibinahagi ni Mergene ang naging biyahe nila ni Jose sa U.S. noong 2023.

May pinagdadaanan din daw sila noon ni Jose.

“Kasi nung time na yon, parang pagod na kami sa sitwasyon namin,” pag-amin ni Mergene.

“Nagdasal ako kay Lord. Sabi ko, ‘Lord, kung plano Niyo po na hindi kami ang magsasama habang buhay, bigyan Niyo na kami ng dahilan para maghiwalay.

“‘Pero kung kami naman po yung plano Niyong magsama, pasayahin Niyo po kami. Bigyan Niyo po kami ng sign para ituloy namin to.’”

Mergene Maranan and Jose Manalo

Jose Manalo opens up about the challenges he and wife Mergene Maranan went through in the past.Pag-uwi nila sa Pilipinas, nag-book daw ng hotel si Mergene sa Boracay para sa kanila ni Jose.

Ipinakita raw ni Mergene kay Jose ang ibinook na hotel at biniro ang host na iyon ang “venue ng kasal natin.”

Mula raw sa biro na iyon sunud-sunod na ang magandang nangyari sa kanilang pagsasasama.

Hindi raw nagtagal at natamo ni Mergene ang inaasam niyang proposal mula kay Jose.

Bakas sa mga pahayag ni Mergene na idinadaan niya noon sa biro ang pahaging kay Jose ukol sa pagpapakasal.

February 2024 nang magbakasyon ang dalawa sa Boracay, at doon ipinagdiwang ang birthday ni Jose.

Doon na rin nag-propose ang komedyante.

December 2024, sampung buwan matapos mag-propose ni Jose kay Mergene, sa Boracay rin sila nagpakasal.

JOSE MANALO’S HESITATION

Batay naman sa pahayag ni Jose, matutukoy na gusto niyang makasigurado bago siya mag-propose kay Mergene.

Sabi ng comedian-host, “Kasi sa dami ng pinagdadaanan namin, ayoko muna kasing mag-propose sa kanya.

“Sinisigurado ko rin kung talagang gusto niya ba ako talaga. Baka mamaya ang gandang lalaki ko lang yung habol niya,” biro pa ni Jose.

Nakuha naman ni Jose ang sagot mula sa mga parinig at biro ni Mergene ukol sa pagpo-propose.

Sabi ni Jose, “Nung sinabi niya sa akin yun, naka-ready na rin naman ako—na kumukuha lang ako ng right time. Bumubuwelo lang ako.

“Pero siya na yung nagsabi sa akin, so masaya na rin ang pakiramdam ko dahil hindi na ako kailangang magtanong sa kanya.

“Kasi siya na nauna na nagsabi na magpapakasal kami.”

Jose Manalo wedding

Jose and Mergene tied the knot in Boracay last December 17, 2024.

JOSE AND MARGENE’S PROMISE TO EACH OTHER

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Jose ay unang ikinasal sa dati niyang asawa na si Anna Lyn Santos, kung saan mayroon siyang limang anak—kabilang ang mga aktor na sina Benj at Nicco Manalo.

Subalit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Pumanaw si Anna Lyn noong June 2022.

Ayon kay Jose, batay sa kanyang karanasan ay may mga taong nakalaan sa bawat isa.

Saad niya: “Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, bawat tao pala meron tayong kanya-kanya kung sino yung ibibigay sa yo.

“Kaya pala nung nag-decide na kami [ni Mergene]… kasi naramdaman ko na kung papano inaayos ni Lord yung buhay ko…

“Unang-una yung sa trabaho na nangyari sa akin… alam naman natin kung ano yung nangyari dito sa Eat Bulaga!, pero nagdire-diretso siya.

“Tapos dumating na yung kasal, yung pagpo-propose ko, ‘Lord, ito na yung binigay Mo sa ‘kin.’”

Dagdag ni Mergene ukol sa relasyon nila ni Jose, “Sa sobrang haba ng pinagdaanan namin, sa sobrang dami pong pagsubok na nalagpasan po namin, na akala nga po namin hindi na po mangyayari.

“Lahat po kasi ng babae pinapangarap na makasal dun sa taong minamahal mo.”

Nagbigay ng pangako si Mergene sa kanyang mister.

Sabi nito, “Pinapangako ko simula sa araw na to, simula pa nung nagkita tayo, sa yo lang ako, sa yong sa yo ako.

“At ikaw, at ikaw pa rin ang pipiliin ko hanggang dulo.”

Mensahe naman ni Jose, “Yung edad malayo man, yung lugar malayo man, pero ako laging nandito katabi mo lang, at hindi ako lalayo hangga’t nabubuhay ako.

“Tandaan mo to, kapag tinatama ko yung maling nakikita ko, ibig sabihin gusto kong maging maayos ka, at gusto kong mas maging maganda pa ang buhay ng mga anak mo, hindi lang para sa akin [kundi] para sa kanila.

“Mahal na mahal kita.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News