Htoo Ant Lwin at Nawat Itsaragrisil, nagbabatuhan ng akusasyon
Paglabas ng mga dating sex video at pictorial ni Htoo, ibinibintang kay Nawat.
Miss Grand Myanmar national director Htoo Ant Lwin (left) and Miss Grand International founder Nawat Itsaragrisil (right) are currently involved in a word war after the controversial coronation night of the Thailand-based beauty pageant.
Nag-umpisa na ang palitan ng maanghang na salita sa pagitan ni Miss Grand International founder and president Nawat Itsaragrisil at ni Miss Grand Myanmar national director Htoo Ant Lwin.
Ayon kay Lwin, hinihingan siya ng malaking halaga ng pera ni Nawat para manalo sa Popular Vote ang kandidata ng Myanmar na si Thae Su Nyein.
Si Thae ang second runner-up sa Miss Grand International 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand, nong Sabado, Oktubre 25.
Miss Grand Myanmar national director Htoo Ant Lwin and Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein
Nagdeklara si Htoo na hindi na magpapadala ang Myanmar ng kinatawan sa Miss Grand International sa susunod na taon dahil sa mga nangyari kay Nyein.
Umasa ang Team Myanmar na maiuuwi ni Nyein ang korona ng Miss Grand International 2024 na napanalunan ni Miss Grand India Rachel Gupta.
Miss Grand International 2024 Top 3: (from left) Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein, second runner-up; Miss Grand India Rachel Gupta, Miss Grand International 2024; and Miss Grand Philippines CJ Opiaza, first runner-up
NAWAT ITSARAGISIL VS HTOO ANT LWIN
Hindi pinalampas ni Nawat ang mga pahayag ni Htoo laban sa kanya.
Sa pamamagitan ng isang live social media broadcast noong Sabado, Oktubre 26, ay nagsalita si Nawat tungkol sa national director ng Miss Grand Myanmar.
“I have so many story from Ni Ni. You know Ni Ni? First runner-up forever Grand International. She had very bad experiences from Htoo,” aniya.
Ang tinutukoy na “Nini” ni Nawat ay si Miss Grand International 2023 first runner-up Ni Ni Lin Eain ng Myanmar.
Miss Grand Myanmar 2023 Ni Ni Lin EainDiumano, maraming kuwento si Ni Ni tungkol kay Htoo, ang Mister Supranational Myanmar titleholder noong 2017 at national director ng Miss Grand Myanmar mula noong 2021 hanggang sa kasalukuyan.
Nang magsalita si Htoo laban kay Nawat noong Sabado, Oktubre 26, tungkol sa mga hindi kanais-nais na pangyayari sa Miss Grand International 2024, biglang naungkat at lumitaw ang mga sex video at nude pictorial niya.
Pinaghihinalaang demolition job ng mga supporter ni Nawat ang paglitaw ng mga private video ni Htoo.
HTOO ANT LWIN VS NI NI LIN EAIN
Hindi nagpatinag si Htoo dahil si Ni Ni ang pinupuntirya niya ngayon sa kanyang mga social media post.
Nagsalita si Ni Ni na isisiwalat nito ang katotohanan at ilalabas ang mga ebidensiyang kanyang pinanghahawakan sa media conference na ipatatawag niya.
Hinamon naman siya ni Htoo na sabay silang humarap para linawin ang mga isyung nagsanga-sanga na.
“I have told the truth in Buddha many times. Let’s be clear. If you lie, you won’t get out of hell,” English translation sa wikang Burmese ng mensahe ni Htoo para kay Ni Ni.
Nagsimula ang kontrobersiyal na isyu sa pagitan nina Nawat at Htoo nang alisin ni Lwin ang second runner-up sash at crown ni Thae dahil hindi niya matanggap na hindi nanalong Miss Grand International 2024 ang kinatawan ng Myanmar.
Umiiyak si Thae nang buhatin ito ng kanyang mga tagasuporta mula sa entablado para ilabas mula sa pinangyarihan ng koronasyon, matapos ang eksenang ginawa ni Htoo dahil dinamdam din niya ang resulta ng Miss Grand International 2024.
Sa magkahiwalay na socia media broadcast ni Nawat, iginiit nitong tanging sina Miss Grand India Rachel Gupta at Miss Grand Philippines Christine Juliana Opiaza ang mahigpit na magkalaban para sa korona ng Miss Grand International 2024.
Puring-puri ni Nawat si CJ.
Ikinatuwa ito ng mga Pilipinong masugid na sumusuporta sa mga beauty pageant at nag-akusa noong isang “cooking show” ang Miss Grand International dahil hindi pa nagwawagi ang Pilipinas sa Thailand-based international beauty pageant.
Miss Grand International founder Nawat Itsaragrisil and Miss Grand Philippines CJ Opiaza