HOT: Deniece Cornejo was angry when Vhong Navarro returned to It's Showtime with confusing tricks/hi - News

HOT: Deniece Cornejo was angry when Vhong Navarro ...

HOT: Deniece Cornejo was angry when Vhong Navarro returned to It’s Showtime with confusing tricks/hi

Deniece Cornejo Nadepress Dahil Nakabalik na si Vhong Navarro!

Sa wakas ay nagsalita na ang dating modelo na si Deniece Cornejo sa muling pagbabalik ni Vhong Navarro sa noontime show na It’s Showtime at nilinaw rin niya ang kanyang mga cryptic posts. 

Matindi ang mga binitawang rebelasyon nito at pagbibigay paliwanag sa kanyang mga cryptic posts.

Sa kabila ng pagbabawal ng abogado nito, tila hindi na kayang manahimik pa ni Deniece Cornejo at nagpaunlak ng isang interview.

Matatandaang noong lunes, January 16 muli nang nakabalik si Vhong Navarro sa It’s Showtime matapos ang apat na buwan pagtigil dahil sa kinakaharap na mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo.

Halos umabot ng tatlong buwan ang pagkakabilanggo ni Vhong Navarro sa NBI Detention Center at sa Taguig City Jail. Nagpahinga naman ito ng mahigit isang buwan matapos makapagpyansa.

Marami ang natuwa sa muling pagbabalik ni Vhong Navarro, lalo na ang mga madlang pipol na matagal ding naghihintay sa muling pagbabalik nito.

Subalit, labis naman ang pagkadismayang naramdaman ni Deniece Cornejo matapos na muling makabalik ni Vhong Navarro sa It’s Showtime.

Sa isang mensahe na ibinahagi ni Deniece Cornejo sa press, nagbigay siya ng saloobin hinggil sa isyu.

Sa nasabing mensahe ipinahayag ni Deniece Cornejo na kung ang mga biktima ay hindi makatayo sa kanilang mga sarili, dapat sanang tulungan ang mga ito ng buong mundo at ipadama sa mga ito na hindi sila nag-iisa.

“If other many victims cannot stand for themselves then the world should know that they are not alone with revelation comes Responsibility.”

Kalakip nito ay ang mga hashtag na #rhymeswithwrong, #justbeginning, #Godwillinvestigate.

Sa nasabing mensahe, malinaw na ang pinatutungkulan ng kanyang mensahe ay walang iba kundi si Vhong Navarro na nakabalik na sa dating trabaho.

Sa kabila naman nito, malinaw naman na hindi pa talaga titigil si Deniece Cornejo na panaguting si Vhong Navarro.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…