HOT: Chito Miranda’s private messages with his wife Neri Naig leaked after an argument..

Chito Miranda posts Christmas message with wife Neri Naig

Chito Miranda: “Thank You po kasi never Nyo kami pinabayaan.”
Chito Miranda, Neri Naig Christmas messageChito Miranda (rightmost) posts family Christmas photo with wife Neri Naig-Miranda (2nd from left) with daughter Pia (2nd from right), sons Miggy (center) and Cash (leftmost) a few weeks after controversy involving former actressHindi naging hadlang kina Chito Miranda at Neri Naig-Miranda ang nagdaang kontrobersiya ng dating aktres para bumati ng “Merry Christmas” sa kanilang followers sa social media.

Kagabi, Bisperas ng Pasko, December 24, 2024, nag-post si Chito sa Facebook at Instagram ng family picture nila ni Neri, kasama ang mga anak na sina Miggy, Cash, at Pia.

Nasa likuran nila ang Christmas tree na may mga nakapaligid na regalo.

Chito Miranda and family Christmas message

Sa caption, unang pinasalamatan ni Chito ang Panginoong Diyos na hindi umano nang-iwan sa kanila.

Mensahe ng Parokya Ni Edgar frontman, “Merry Christmas mula sa Miranda Family.

“Maraming, maraming salamat, Lord, for always taking care of us.

“Thank You po kasi never Nyo kami pinabayaan.”

Ramdam daw ni Chito ang pagmamahal ng Panginoon sa pamamagitan ng mga taong nakapalibot sa kanila.

Aniya, “Sobrang ramdam namin yung pagmamahal Mo sa amin through the people You have chosen to surround us with.

“Pinakita Mo sa amin na inaalagaan Mo talaga kami sa pamamagitan ng aming mga pamilya, mga kaibigan, at lahat ng mga taong nagmamahal sa amin.

“Sila po talaga ang Pinakamahalagang regalo Mo sa pamilya namin, Lord.

…and for them, we thank You.

“Maligayang, maligayang Pasko sa inyong lahat.”

NERI NAIG released after court granted motion to quash warrant of arrest

Noong Nobyembre 2024, nasangkot si Neri sa patung-patong na kaso kung saan hinuli ito siya ng pulisya sa basement ng isang convention center sa Pasay City noong November 23.

Ito ay dahil sa mga kasong 14 counts of violation of the Securities Regulation Code (SRC) at syndicated estafa.

Umabot sa PHP1.7 million ang buong piyansa para sa 14 counts of security regulations violation at non-bailable naman ang syndicated estafa at estafa.

Noon namang December 4, nakalabas si Neri mula sa limang araw na hospital furlough.

Sa halip na bumalik siya sa piitan ay diretso nang nakauwi ang negosyante at dating aktres.

Ito ay matapos ipag-utos ng Pasay City Regional Trical Court (RTC) Branch 112 ang agarang pagpapalaya kay Neri kasunod ng pagpabor ng korte sa motion to quash ng kampo ng actress-businesswoman.

Pitong araw namalagi si Neri sa Pasay City Jail Female Dormitory matapos itong maaresto.

Malaking tagumpay para sa mga abogado ni Neri ang araw na iyon dahil bukod sa napaboran ang kanilang motion to quash a warrant of arrest, pinalaya rin si Neri sa kanyang pagkakakulong.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News