HOT: 'AlDub' fan leader reveals evidence of Alden Richards and Maine Mendoza's child, the shocking truth behind it../hi - News

HOT: ‘AlDub’ fan leader reveals eviden...

HOT: ‘AlDub’ fan leader reveals evidence of Alden Richards and Maine Mendoza’s child, the shocking truth behind it../hi

Lider Ng Natitirang Mga ‘AlDub’ Fans, Ibinahagi Ang Pruweba Ng Baby Ni Alden Richards at Maine Mendoza


Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa pagkakaroon ng relasyon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos kumalat ang mga larawan at videos kung saan makikita ang kanilang sweet moments together, maraming mga AlDub fans ang naglalabas ng mga resibo ng pagkakaroon ng anak nina Maine Mendoza at Alden Richards. 

Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang video na ibinahagi ng isa sa mga lider ng natitirang AlDub fan club, na sinasabing patunay ng ‘pamilya’ na binuo nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa kanyang post, naglabas si Mila Cambal ng video na nagpapakita kina Alden Richards at Maine Mendoza, karga-karga ang isang sanggol sa isang party na kanilang dinaluhan.

“Dito ako sinabihan ng haligi na Anak Nila yung baby… si Dalmi naman nagsabi na lalaki yung baby… yan ang eyewitness,” caption nito sa kanyang video post.

Kaagad naman itong umani ng samu’t-saring komento mula sa mga netizens at iba pang mga AlDub fans na hanggang ngayon ay naniniwalang totoo ang lahat ng nangyari noon sa Kalye Serye ng Eat Bulaga.

Marami sa mga AlDub fans ang sumang-ayon sa post na ito ni Mila Cambal dahil naniniwala rin silang masayang nagsasama sina Alden Richards at Maine Mendoza.

“Totoo po yan. Please check po my pinned tweet at may nakakita sa kanila sa laguna.

ALDUB PARIN,” pahayag ng isa pang fan.

Matatandaang hindi natuwa ang fans ng dating loveteam sa development na nangyayari sa pagitan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, na humihimok sa aktres na layuan ang Kapuso actor dahil nakakasira na umano ito ng isang masayang pamilya.

Nagkalat din sila ng ilang teorya na tinatago ang relasyon nina Alden at Maine sa kadahilanang kahit ang AlDub fans ay hindi makasagot.

Gayunpaman, kapwa itinanggi nina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga pahayag ng kanilang mga tagahanga at hiniling pa sa mga ito na itigil na ang ilusyon na magbabalik pa ang AlDub.TRUTH ABOUT ALDUB
My video.. dito ako sinabihan ng haligi na Anak Nila yung baby… si Dalmi naman nagsabi na lalaki yung baby… yan ang eyewitness 👀 account ko…

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…