Gerald Anderson on ex-girlfriend Kim Chiu: “Palaban yun.”
Gerald recalls early showbiz days with Kim: “Umiyak ako, nag-breakdown ako…”
Gerald Anderson attests to ex-girlfriend Kim Chiu being a hard worker and recalls their early days as a love team in ABS-CBN.
Hindi itinago ni Gerald Anderson, 34, ang paghanga sa layo ng narating ng showbiz career ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu, 33.
Nakarating kay Gerald na pumatok ang Linlang, ang katatapos na Prime Video series na pinagbidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Hindi raw ito kataka-taka para kay Gerald dahil noon pa man ay nasaksihan daw niya kung paano magtrabaho si Kim.
“Nakakatuwa kasi narinig ko na parang ibang Kim yung nakikita nila.
“Pero I’m happy for her because talagang yun yung perfect word—hard worker talaga yun.
“And siyempre nakaka-inspire yan, di ba?”
Nabanggit din ni Gerald ang pagiging kuwela ni Kim pagdating naman sa pagiging co-host sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
“Paganun-ganun lang siya sa Showtime, di ba?
“But grabe yun. Fighter yun. Palaban yun. And she works really hard.
“So, yung success na meron siya ngayon with this show, she deserves it,” saad niya.
Nakilala ang tambalan nina Kim at Gerald o Kimerald mula nang sumabak sila sa pag-aartista matapos ang kanilang stint bilang teen housemates sa Pinoy Big Brother Teen Edition 1 noong 2006.
Kalaunan ay nagkahulugan ng loob ang dalawa, pero inilihim nila ang kanilang relasyon sa loob ng apat na taon.
Naisapubliko lamang ito nang maghiwalay sila noong 2010.
Nagbalik-tambalan sina Kim at Gerald sa pelikulang 24/7 In Love noong 2012, at sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin noong 2017-2018.
Nang tanungin kung posibleng magkatrabaho silang muli ni Kim, hindi diretsong nakasagot ang aktor.
Sabi ni Gerald, “Pero hindi ko masasagot yun. Hindi ko alam. Kailangan silang makausap.”
Nakapanayam ng piling press si Gerald sa contract signing niya sa ABS-CBN bilang solid Kapamilya. Nananatili rin siyang artist sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
ON INSTANT STARDOM AFTER PBB STINT
Sa presscon na iyon ay nagbalik-tanaw si Gerald sa hirap na pinagdaanan nila ni Kim noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz.
“Meron kami ginawa ni Kim Chiu na Love Spell,” tukoy ni Gerald sa defunct weekly drama program sa ABS-CBN.
“So, parang kami yung unang episode doon. Sunday, pinalabas po yung unang episode ng Love Spell. Mataas po yung ratings.”
Naalala ni Gerald na dapat ay kasama rin sila ni Kim sa teleseryeng Crazy For You noong 2006.
Lahad niya, “And then, pinapasok kami sa isang teleserye noon na ang bida si Luis Manzano at si Toni Gonzaga, and then andun si Sandara Park yata.
“So, Monday yung taping. On the set, magte-tape na kami, biglang may tumawag, pinauwi kami.
“Yun pala, parang gagawin na kaming bida sa sarili namin teleserye.”
Aminadong nanibago raw talaga si Gerald nang sumabak siya sa pag-aartista.
Kuwento niya: “So, ang taping namin noon, yung Sana Maulit Muli, yun yung first teleserye namin. So, M-W-F yun.
“So, okay naman yun, di ba? Pero siyempre, imagine niyo po, 17 years old ako, galing po ako ng GenSan.
“Nung paglabas ko ng PBB, wala akong kaalam-alam sa English, hindi ako marunong umarte.
“Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, hindi ko rin alam kung ito ba talaga gusto ko.
“So, hindi ko alam ano nangyayari, pero sige lang, go with the flow lang.”
THE HARD WORK THAT HE AND KIM PUT INTO THEIR CRAFT
Dahil pumatok ang kanilang tambalan, lagari raw talaga sila ni Kim sa trabaho.
“And then, biglang may pumasok nun na movie, First Day High. Natatandaan niyo ba yun? So, T-Th-S naman yun.
“And then, noong time na yun, kailangan namin mag-ASAP.
“So, every Sunday nasa ASAP kami, aalis kami ng Sabado sa Tagaytay, kasi dun po yung location namin.
“Pupunta kami dito sa ABS para mag-rehearse, tapos babalik kami ng taping.
And then, Sunday, ASAP.”
Nasagad daw talaga si Gerald noon.
“So, naalala ko, dun sa dressing room namin dito sa isang building. Pumunta ako sa likod, kasi may parang taguan dun.
“Umiyak ako, nag-breakdown ako, parang kasi frustration na hindi ko alam yung ginagawa ko sa trabaho.
“Ang bano-bano ko, tapos pagod, tapos minsan may mga commercial shoots in between, so nag-breakdown ako.”
Tanging ang pamilya raw ang naging inspirasyon ni Gerald para ipagpatuloy ang trabaho.
Balik-tanaw ng aktor: “Tinanong ko sarili ko, ‘Bakit ka nandito? Bakit ka ba pumasok sa PBB?’
“Honestly kasi, kaya ako pumasok sa PBB, kasi gusto ko talaga tulungan yung nanay ko.
“Gusto ko makabili ng bahay para sa nanay ko, yun yung tumatak sa akin.
“So, kahit anong pagod ko nun, kahit anong pinagdadaanan namin, kahit na uuwi lang kami bahay para maliigo lang, fight, laban lang.
“So, hard work talaga and perseverance.”
ON VALUING HIS COLLEAGUES
Natutunan din daw ni Gerald ang kahalagahan ng respeto sa kapwa.
“Sa totoo lang, maging mabait ka lang sa tao.
“At the end of the day, kapag nasa taping kami, yung cameraman, yung PA, audio man, lahat, lahat kayo pagod, e.
“Di naman yung artista lang, lahat kayo, pati yung director, ganon. So, parang nasa isang barko kayo.
“So, dapat lagi kang may malasakit para sa iba, may respeto, at lagi kang mabait.”
Patuloy ni Gerald, “Hindi ko sinasabi na maging pushover ka o kaya okay lang lahat sa iyo. Pero yung respeto, yung maayos kang katrabaho.
“More than kapag sinabi sa akin, ‘Uy, ang galing mo doon, ang galing mong artista,’ mas fulfilling sa akin yung ‘mabait ka, maayos kang kasama,’ yun yung mas fulfilling.
“So, I think, yun din yung isa sa mga dahilan ko bakit nandito pa rin po ako.”
News
SHOCKED: Kim Chiu at ang kanyang pamilya ay nabigla sa paninirang-puri ni Xian Lim, galit na mga tagahanga ang humiling na magmadali upang wakasan…/hi
Kim Chiu Nagulat Sa Paninira Ni Xian Lim Ikinagulat ng maraming mga marites online ang ipinahayag ni Xian Gaza patungkol sa nangyari sa relasyon nina Xian Lim at Kim Chiu, at ang kinalaman ni Iris Lee sa paghihiwalay ng dalawa….
REVEALED: Janine Gutierrez is loved by both Paulo Avevlino and Kim Chiu fans for this one reason…/hi
Janine Gutierrez Kinakawawa ng Mga Fans Nina Paulo Avevlino at Kim Chiu Kinaawaan muli ng mga netizens ang aktres na si Janine Gutierrez sa gitna ng pamamayagpag ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino. Hindi naman lingid sa kaalaman ng…
SHOCKING NEWS: Rhen announced that she will ‘replace’ Kim Chiu to be with Pau…/hi
Rhen ‘susulutin’ si Paulo kay Kim Pangarap pala ni Rhen Escaño na makapareha sina Carlo Aquino at Paulo Avelino, huh! Si Carlo ay naka-work na niya sa Viva One series na ‘Kung Hindi Lang Tayo Sumuko’ pero pipiliin niya pa…
WATCH NOW: Find out what kind of person is Rhen Escaño, Paulo Avelino’s secret girlfriend.?/hi
Rhen Escaño, sikretong jowa nga ba ni Paulo Avelino? May kumakalat pa lang tsika na umano’y may lihim na girlfriend ang Kapamilya star at isa sa A-list leading men ng ABS-CBN ngayon na si Paulo Avelino. Ito ay walang iba…
SHOCK: Xian Lim’s new girlfriend is pregnant, Kim Chiu immediately posted a status on Instagram/hi
Xian Lim Nabuntis Ang Bagong Girlfriend Sa unti-unting pagkakabunyag ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim, pinuputakte ngayon ng mga fans ni Kim Chiu si Xian Lim ng pambabatikos dahil sa isyung pangangaliwa niya sa…
BREAKING NEWS: video na nag-aalala sina Kim at Paulo tungkol sa pagprotekta sa kanila ng kanilang mga tagahanga mula sa mga mabangis na kritiko…/hi
Kim at Paulo, Nabahala Para Sa Mga Fans Na Ipinagtanggol Silang Dalawa Sa Bashers Ang KimPau na tambalan, na binubuo nina Kim Chiu at Paulo Avelino, ay kasalukuyang nasa sentro ng mga kontrobersya dulot ng mga nag-aalalang tagahanga ni Paulo…
End of content
No more pages to load