Fans are curious about Alden Richards’ comment about Maine Mendoza’s future husband: “What Arjo brings is a…”

Alden Richards on soon-to-be bride Maine Mendoza: “Yung naibibigay ni Arjo sa kanya is yung talagang love na deserve niya.”

Alden: “I’m very happy and sincerely na sinasabi ko yun sa kanya.”
Alden Richards on Maine Mendoza and Arjo AtaydeAlden Richards on Maine Mendoza’s upcoming wedding to Arjo Atayde: “Now that she’s going to a path na talagang naikukuwento na niya sa akin na talagang gusto niya. Kasi si Maine, very planned ang buhay, very goal-oriented. By the age na ganito, ganito na dapat. I’m very happy and sincerely na sinasabi ko yun sa kanya. I really wish her well.”Usap-usapang sa July 28, 2023 na ang petsa ng kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Kaugnay nito ay hindi maiwasang hingan ng reaksiyon ang dating ka-love team ni Maine na si Alden Richards tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng E.A.T. co-host.

Read: The breakup of AlDub: A timeline

Hindi maikakailang sina Maine at Alden ay naging malaking bahagi ng buhay ng isa’t isa dahil sa phenomenal love team nilang AlDub.

“Very much,” sabi ni Alden tungkol sa tindi ng pinagsamahan nila ng dating kapareha.

Maine Mendoza has been a very huge part of my life.

“Hindi ko alam kung ganun din ako sa kanya, pero ako, that’s how I feel.”

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Battle of the Judges, ang bagong programa ng GMA-7.

Tingin daw ni Alden ay talagang handa na si Maine sa bagong kabanata ng buhay nito kapiling ang soon-to-be husband.

Now that she’s going to a path na talagang naikukuwento na niya sa akin na talagang gusto niya.

“Kasi si Maine, very planned ang buhay, very goal-oriented. By the age na ganito, ganito na dapat.

“So ngayon na nandiyan siya ngayon, of course, with Arjo, siguro yung naibibigay ni Arjo sa kanya is yung talagang love na deserve niya.”

Mensahe pa ni Alden kay Maine: “And I’m very happy and sincerely na sinasabi ko yun sa kanya. I really wish her well.

“And sana, wherever she is now, I know that she’s very happy and for the longest time, she deserves that.

“And yun ang dapat para sa mga taong nagtatrabaho, who are hardworking.

“And parang biglaan din po ang dating sa buhay ni Maine ng show business. So, I think, this is her reward.”

Sayang daw at hindi na sila magkakatrabaho ni Maine bilang Dabarkads. July 2015-December 2016 nang sumikat nang husto ang AlDub sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga!.

“Parang hindi ako masyadong naging vocal about this for the longest time, but I think, this is the right time.

“Malaki ang pasasalamat ko sa kanya, sa pagtiwala niya sa akin.

“Although we may had some differences and misunderstanding in the past, but at least we remained good friends.

“At ngayon nga po, parang nawalan ng possibility na makabalik ako sa Eat Bulaga! it’s because of different networks, and exclusive po ako, medyo nakakalungkot.”

ON BEING SINGLE

Nang biruin ng PEP.ph si Alden na baka siya na ang sumunod na ikasal, hirit niya, “Malapit na po yata yan.”

Baka naman may non-showbiz girl na nandiyan lang sa tabi niya?

“Wala po, wala!” natawang pagtanggi ni Alden.

Nang kulitin kung may special someone na siya, sabi ni Alden, “Ay, sasabihin ko naman po sa inyong lahat yan.

“Siyempre, I owe it to the people, to the press people. Siyempre, news like that, it’s worthy, it’s worth sharing naman po.

Di ba, sabi nga po nila, ang isang bagay, puwede mong itago nang itago. But at the end of the day, lalabas at lalabas yan.”

ON ALDEN’S PRIVATE LIFE

Dati nang umamin si Alden sa mga aktres na muntik na siyang magkaroon ng relasyon tulad nina Winwyn Marquez at Julie Anne San Jose.

Pero siguro, I have maintained din na may mga nagawa po akong mga bagay na I kept it private. Medyo yun po ang mga tine-treasure ko sa buhay ko ngayon,” paliwanag ni Alden.

“Kasi, there are certain portions of my life na kahit papaano, remains sa side ko and my family.

“Minsan, yung social media, kasama na rin sa mga kontrata ng endorsements, kumbaga, napo-promote. Everything, nandun na, e.”

Hindi raw talaga siya fan ng social media.

“I have to say the truth. Alam din naman po ng mga followers ko yan.

“Minsan nga, may mga nagme-message sa akin na mga fans na, ‘Mag-post ka naman. Mag-update ka naman.’ Kaya minsan po, talagang napa-post.

“Kasi hindi naman mahirap mag-click, mag-picture ka, mag-selfie ka, upload mo.”

Patuloy ni Alden, “Pero yun nga po, minsan, on my days off, gusto ko po na walang kashowbizan sa katawan ko.

“Hindi ko po sine-share ang bawat galaw ko, lalo na kapag personal or yung time ko po is para sa sarili ko. In that way, yung sanity ko po is maintained.”

Iyon na lang daw ang pakonsuwelo ni Alden sa sarili.

“Kasi po, napakahirap din po sa industriya natin, very demanding. Kumbaga, the moment you step out of your house, parang everyone knows you, in a way.

“Puwede nilang sabihin kung ano ang gusto nilang sabihin sa yo. Puwede nilang ipagawa kung ano ang gusto nilang ipagawa sa yo.

“But at the end of the day, ikaw pa rin ang magbabalanse nun sa buhay mo. Hanggang saan mo ba ibibigay ang sarili mo?

“So, a part of me remains private for the sake of sanity. Para paggising mo, may natitira pa rin. Hindi ko pa rin binigay lahat.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News