Everyone is curious about what Dolly de Leon claims about Kathryn Bernardo.

Deklara ni Dolly de Leon: “I’m a huge Kathryn Bernardo fan.”

Noon pa man ay tumatak na raw si Kathryn Bernardo kay Dolly de Leon dahil maayos umano itong makitungo sa set at mahusay sa kanyang trabaho bilang artista noong nagkasama sila sa Endless Love ng GMA-7. “Hindi ko makakalimutan ’yon, e, kasi she’s very professional, very sweet, very kind. I could not forget her,” papuri ni Dolly sa Kapamilya actress.Excited na ang ace actress na si Dolly de Leon na masimulan na ang movie project na A Very Good Girl na pagsasamahan nila ni Kathryn Bernardo.

Sinabi n’ya ’yan nang maka-tsikahan s’ya ng entertainment press sa Gabi ng Parangal ng Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan s’ya ang naging head juror.

Nahingi kasi ng press people ang saloobin n’ya ngayong opisyal nang ibinalita na magkaka-movie sila ng Kapamilya star under Star Cinema.

Ayon kay Dolly, excited s’ya sa mga magiging eksena nila ni Kathryn dahil fan umano s’ya ng nobya ni Daniel Padilla.

“I’m very, very excited about that kasi I’m a huge Kathryn Bernardo fan. And she’s a lovely person as well,” pahayag ng internationally-acclaimed Pinay actress.

“Although we have not met yet [recently], but I can tell more or less na okey s’ya. So, excited ako doon,” dagdag pa n’ya.

Bukod pa sa aktres, nae-excite din daw s’yang maka-work ang direktor nila na isa ring award-winning filmmaker.

Saka si Peterson Vargas ’yong direktor namin that’s why I’m really excited,” aniya.

Isa pa sa ikinatutuwa ni Dolly ay ang kakaibang istorya ng gagawin nilang pelikula na iba sa mga movies na ginawa nila before.

“At saka it’s not the usual story, e. Ano s’ya, very unique s’ya, saka very exciting to do. At ito ang chance ko to really sink my teeth into a character together with a great actress like Kathryn. So, excited ako,” lahad pa ni Dolly.

Bale, reunion project nila ito ni Kathryn after 13 years mula nang magkasama sila noong 2010 sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Endless Love na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Nagka-work kami sa isang teleserye. Batang-bata pa s’ya doon. Teacher ako tapos estudyante ko s’ya,” pagre-recall ng beteranang aktres.

’Yon ’yong time na nasa kabilang network s’ya nu’ng time na ’yon. She played a young Marian Rivera. Alam n’yo na kung ano ’yon. And ako ’yong teacher n’ya,” she went on.

Noon pa man ay tumatak na daw sa kanya si Kathryn dahil maayos umano itong makitungo sa set at mahusay sa kanyang trabaho bilang artista.

Hindi ko makakalimutan ’yon, e, kasi she’s very professional, very sweet, very kind. I could not forget her,” pagtatapos ni Dolly.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News