Donny Pangilinan, mas gusto pa rin ang traditional way ng panliligaw; Belle Mariano, ayaw ding paligaw the modern way
Tila nagkakasundo ang tambalang #DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kung anong gusto nilang paraan ng pagpaparamdam na gusto nila ang isang tao.
Natanong kasi sila ng pikapika.ph tungkol dito during the globa media conference kamakailan para sa upcoming romantic digital comedy series nilang “He’s Into Her.”
Sagot ni Donny, bagama’t kabilang s’ya sa age group na tinatawag ngayong Generation Z o Gen Z, mas gusto pa rin daw n’ya ang tradisyonal na paraan ng panliligaw o pagpaparamdam na gusto n’ya ang isang babae.
(According to kasasa.com, ang Gen Z ay ang bagong henerasyon na ipinanganak sa pagitan ng 1997 at 2012 hanggang 2015. February 10, 1998 pinanganak si Donny.)
“Ako po kasi I’m more of a simple guy,” nakangiting tugon ni Donny via Zoom.
“S’yempre, Gen Z parang mas gusto ko pa rin ‘yong…hindi naman old school pero ‘yong ginagawa nila dati na nagsusulat ng letters, alam mo ‘yon? Nagpapadala ng flowers or pagkain. Ganu’n lang.”
Bagama’t classic daw na maituturing ang gusto n’yang paraan pero hinahaluan din daw n’ya ito ng mga makabagong diskarte.
“More traditional [pero] may mix pa rin ng modern,” dagdag pa ng binatang aktor.
Nagpatulong pa si Donny sa mga co-actors n’yang lalaki na present din sa virtual media conference that time sa pagpapaliwanag tungkol sa modern ways na tinutukoy n’ya.
Sagot ng co-actor n’yang si Jeremiah Lisbo, “Dating app.”
Nauuso na kasi ngayon sa mga kabataan ang pakikipag-date sa mga nakikilala nila online sa pamamagitan nang mga nagsulputang dating mobile app.
Kontra naman dito ang isa pang co-star nilang si Gello Marquez at sinabing, “Hoy, ‘wag ‘yon. Bad ‘yon.”
Suggestion naman ng Macau-born Pinoy actor na si Joao Constancia, “Magda-drop ng gifts.”
Sa sinabing ito ni Joao, nagka-idea si Donny at sinabing, “Pag nagbigay ng Yamashita, pwede. Oo ‘yong ganu’n. Solid.”
Ang tinutukoy n’ya ay ang Yamashita’s Gold na isa sa virtual gifts na p’wedeng ibigay sa mga nagla-livestream sa mobile app na Kumu. Ang ilan pang virtual gifts ay taho, halo-halo, Ibong Adarna at iba pa. These virtual gifts can be converted into cash.
Pagsi-simplify pa ng binatang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, “My answer is do things not only you like but the other person likes as well. ‘Yon.”
Iba-ba naman daw ang pananaw ng bawat tao tungkol dito, sey ng ka-love team ni Donny na si Belle.
Aniya, “I think it goes differently naman for everyone kung paano natin gustong ipakita ‘yong love natin para sa ibang tao or how we want to be pursued.”
Pero kung s’ya daw ang tatanungin, pasado sa kanya ang traditional way na sinabi ni Donny.
“But for me, personally, same rin siguro…traditional way. Ayoko ‘yong nawala sa’tin,” pahayag ng 18-year-old Kapamilya actress-model.
Natatawang paglilinaw pa ng former Going Bulilit child star, “Ayoko nu’ng modern na lang na through text, tulad ng sinabi nila kaninang Yamashita’ng ‘yan. Ayon.”
Anyway, inaabangan na ang pagtatambal nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa He’s Into Her kung saan makakasama nila ang iba pang artista gaya nila Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Joao Constancia, Criza Taa, Vivoree Esclito, Jeremiah Lisbo, Melizza Jimenez, Sophie Reyes, Ashley del Mundo, Gello Marquez, Dalia Varde, at Limer Veloso.
Mapapanood ang He’s Into Her simula May 28 via iWantTFC, A2Z at Kapamilya Channel.