DonBelle, naghahanda sa bawat eksena

DonBelle, naghahanda sa bawat eksena

MANILA, Philippines — Patuloy na pinag-uusapan ang Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Napapanood ang naturang serye sa Netflix, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV at TV5. Malaki ang pasasalamat ng tambalang DonBelle dahil sa mainiit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang bagong proyekto. “We’re both very grateful, maraming-maraming salamat po. I think a factor too is being aligned with one another. Being aligned that we both have the same goal and that is to deliver a great project,” nakangiting pahayag ni Belle.

“Sobrang nakakataba lang ng puso. Kami ni Belle, the most important thing is that we’re here as a team and we’re here to support each other,” dagdag naman ni Donny.

Sinisiguro ng aktor na talagang kaabang-abang ang bawat eksena na kanilang ginagawa para sa lahat ng mga tagahanga.

Sinisikap umano ng buong grupo ng serye na makapagbigay ng isang magandang programa para sa mga manonood. “So, the fact that we’re given these types of blessings and the opportunity to tell stories, we really don’t take it lightly and we really do our best to give it our all talaga. Because at the end of the day, we want to provide quality entertainment for everyone and to provide quality stories that we can share. You know for every generation, I think we’re just interested in ourselves but I’m just very blessed to be able to go through this with you and I hope you guys see that in this show. I hope that reflects you know what the story also is all about,” pagbabahagi ng binata.

Anji, ayaw patulan ang tsumatsaka sa kanyang akting!

May ilang netizens na pumupuna tungkol sa karakter ni Anji Salvacion sa seryeng Linlang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, JM de Guzman at Paulo Avelino. Mayroong nagsasabi na pwede naman daw na wala na lamang ang karakter ni Anji sa seryeng napapanood sa Prime Video. “May mga scene pa ‘yon na hindi nasama sa Prime (Video) kasi may limited din na time sa Prime,” bungad ni Anji sa Teleradyo Serbisyo.

Hanggang maaari ay hindi na lamang daw pinapatulan ng dalaga ang online bashers sa social media. Para kay Anji ay kailangan lamang niyang pagbutihin ang trabaho para sa ikagaganda ng serye. “I was there to call my Sunshines na huwag na nating patulan. Kasi at the end of the day, di naman natin sila kilala. They are just there to judge us and all. Ang hirap kasing mag-explain and I don’t wanna prove myself to anyone. Kasi at the end of the day, may mga tao na they believe in and we cannot change their minds if they’re close-minded. Just let them be, I don’t talk anymore. I just let them talk and talk and I’m just here gonna do my thing,” makahulugang pahayag ng aktres. (Reports from JCC)