Cristy Fermin challenges Vice Ganda on the issue that the show's time slot will not be extended on GMA7 because it will lose, Ganda's response sends chills down fans' spines - News

Cristy Fermin challenges Vice Ganda on the issue t...

Cristy Fermin challenges Vice Ganda on the issue that the show’s time slot will not be extended on GMA7 because it will lose, Ganda’s response sends chills down fans’ spines

Cristy Fermin Hindi Naniniwala Na Tatagal Ang It”s Showtime Sa GMA7 Dahil Malulugi Din Daw Ito!

Hindi naniniwala ang kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin at ang co-host nito na si Wendell Alvarez na magtatagal sa main channel ng Kapuso Network ang noontime show na pinangungunahan nina Vice Ganda. 

Isiniwalat nina Cristy Fermin at co-host na si Wendell Alvarez ang mga nakarating sa kanilang balita patungkol sa pagkakaroon ng short contract ng GMA Network sa It’s Showtime.

Sa isang episode ng ‘Showbiz Now Na!’ inihayag ng co-host ni Cristy Fermin na si Wendell na tatagal lamang ng 3 hanggang 6 na buwan ang kontrata sa pagitan ng It’s Showtime at GMA dahil gustong makita ng Kapuso Network kung magiging consistent ang performance ng Kapamilya show base sa kanilang satisfactory.

Bukod pa rito, naniniwala rin si Wendell Alvarez na mismong si Vice Ganda ang susuko at hindi ito magtatagal sa GMA Network dahil sa iba’t-ibang rason at kadahilanan.

Naniniwala rin umano si Wendell Alvarez na sinadya lamang ng GMA Network na pabayaan sa ngayon ang It’s Showtime dahil ginusto naman umano ng mga ito na makalipat sa kanilang network, subalit kung hindi na sila masisiyahan ay tatanggalin rin nila ito.

Sa isa pang ulat na isinulat ng Entertainment writer na si Salve Asis, ibinunyag niya na may kapangyarihan umano ang GMA Network na tapusin ang kontrata sa pagitan nila at ng It’s Showtime anumang oras kung sakaling may mga nalabag na patakaran ang show.

Gayunpaman, kahit anim na buwan lamang ang kontrata ng It’s Showtime sa GMA Network ay renewable naman ito kaya maari pa rin silang mag-extend sakaling magkasundo muli ang dalawang panig.

Samantala, hindi naman matatanggi na itinuring na napakalaking tagumpay ang pilot episode ng It’s Showtime sa GMA Network dahil nalampasan nito ang ratings ng Eat Bulaga sa TV5 pagdating sa social media viewership at advertisement.

Naniniwala rin ang mga eksperto na hindi aalisin ng GMA Network ang It’s Showtime dahil ito lang ang tamang katapat ng Eat Bulaga lalo na ngayong nagdesisyon din ang television host na si Willie Revillame na sumali sa TV5.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…