Coco Martin and Kim Chiu break the ice on their first taping day through a kissing scene

Coco Martin and Kim Chiu play lovers in a teleserye for the first time.

Exciting!”

Iyan ang nasambit ni Coco Martin nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano niya ilalarawan sa isang salita ang unang pagtatambal nila ni Kim Chiu sa upcoming primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Ikaw Lamang, na magsisimulang umere sa Marso 10.

Paliwanag pa ng tinaguriang Hari ng Teleserye ng Kapamilya network, “Kumbaga, natsa-challenge ka, e.

“Ewan ko, palagay ko kasi hindi ako yung kakilig-kilig, e.

“Nandoon ako sa serious na [side].

“Nae-excite ako kung paano yung magiging dahilan sa amin dalawa po,” na ang ibig tukuyin ni Coco ay kung paano magiging kakilig-kilig ang tambalan nila ni Kim.

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng press si Coco sa pocket presscon na inihanda ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment para sa kanila ni Kim kagabi, Pebrero 25, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

FIRST SCENE: KISSING SCENE. Dati nang nagkatrabaho at nagkasama sina Coco at Kim sa mga teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa at Kung Tayo’y Magkakalayo.

Pero kontrabida si Coco sa Tayong Dalawa at kapatid naman siya ni Kim sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

Ngayon lang sila magiging magkatambal at gaganap bilang lovers sa Ikaw Lamang.

Kaya naman tila ikinagulat din nila na kabilang sa mga unang eksenang kinunan sa taping ay ang kissing scene nila.

Sabi ni Coco, “Yun nga po yung kauna-unahang eksena namin ni Kim, kissing scene.

“Siguro pang-break lang ng pressure, ng kaba, ng ilangan.”

Dagdag naman ni Kim, “Siyempre unang eksena namin yun ni Coco, sobrang una dito sa teleseryeng ito.

“’Tapos sabi ni Direk Malu [Sevilla], ‘O, Kim, ganito ang gagawin niyo ha.’

“’Ha? Hindi nga?’

“Siyempre hindi ko pinapahalata kay Coco. ‘Ha? Totoo? Oh, my God!’

“’Tapos sabi, ‘Game na! Game na!’

“Parang ako, ‘Totoo ba ito?’

“Siguro tama si Coco, yun nga pang-break ng ice.