Claudine, inaming hiwalay na sila ni Rico kahit nagli-live in pa
Isa sa mga napag-usapan nina Claudine Barretto at Ogie Diaz sa talk show-vlog ng huli ay tungkol sa naging relasyon nila ng yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan.
Napunta ang usapan kay Rico matapos ilahad ni Claudine na sumailalim siya sa depression at anxiety and panic attack disorder kaya kinailangan niyang sumailalim sa rehabilitasyon sa Thailand.
Nakuwento ni Claudine na naaksidente ang kanilang 88-anyos na ina kamakailan sa isang mall, matapos itong gumulong-gulong sa escalator. Galit na galit daw si Claudine nang mga sandaling iyon, lalo’t kagagaling lang niya sa lamay ng pumanaw na aktres na si Jaclyn Jose.
Nagdasal daw siya sa Diyos na sana naman, huwag munang sunod-sunurin ang pagkuha sa mga mahal niya sa buhay, lalo’t hindi pa siya ganap na nakapagluksa sa pagkamatay nina Rico Yan, Direk Wenn Deramas, at tatay niya. Sa pagkamatay raw ni Rico, ibinaon daw ni Claudine ang sarili sa trabaho para hindi niya maisip ang nangyari sa ex.
Dito na natanong ni Ogie ang ilang mga detalye kaugnay ng relasyon nina Claudine at Rico bago pumanaw ang aktor.
Pag-amin ni Claudine, habang magkasama raw sila sa iisang bubong ay may nalaman siya kay Rico na naging dahilan para maghiwalay sila.
Ngunit dahil ginagawa nila noon ang pelikulang “Got to Believe” ay pumayag si Claudine na manatili silang magkasama sa iisang bubong.
“Alam naman ng lahat na live in kami ni Rico ‘di ba? So ang nangyari was November 2001, nasa ad congress siya. Pag-uwi niya, end of November, may nalaman ako. And naghiwalay kami. Pero we were still staying under the same roof. And usapin is January, move out. He was really sorry and he was asking pa na ayaw pa niya umalis. So wer’re doing Got to Believe ‘yong time na ‘yon, so ‘Oh sige, let’s be professional, let’s work pero hindi na tayo magkakabalikan, kasi hindi na ako magiging ‘yong Claudine na gusto mo, na Claudine na minahal mo,” kuwento ng aktres.
“Ang tagal kong pinrotektahan ‘yong pangalan ni Rico. Pareho kaming may mali. Hindi ko lang talaga matanggap ‘yong time na ‘yon kung anuman ‘yong nangyari during ad congress,” dagdag pa ni Claudine.
Hanggang daw sa ang pag-move out na napag-usapan by January ay naurong nang naurong hanggang March. Buo pa rin daw ang desisyon ni Claudine na hanggang magkaibigan lang sila ni Rico, bagama’t pag-amin ng aktres na mahal pa rin naman daw niya si Rico nang mga sandaling iyon.
Pinagdiinan din ni Claudine na hindi totoo ang mga kumalat na tsika noon na sinaktan sat naging bayolente si Rico sa kaniya nang mga sandaling nag-aaway sila noong Marso, bago ito mamatay.
“Nagsigawan kami pero hindi umabot sa nananakit,” pagkaklaro ni Claudine.
Habang sila pa nga raw ni Rico ay may anim na manliligaw si Claudine na masugid na nagpapadala ng bulaklak sa kaniya, subalit hindi niya raw pinansin dahil nakakabastos sa part niya at kay Rico.
Saka naman daw pumasok sa “pagpaparamdam” si Raymart sa kaniya nang wala na nga sila ni Rico. Nagpapadala na raw ito ng mga pagkain sa kaniya. Sinabi raw ni Claudine ang mga naging akto ni Raymart upang ipaalala sa ex na tapos na sila at tumatanggap na siya ng mga manliligaw.
Kaya ganoon na lang daw ang galit ng mga tao kay Claudine na nagpaparatang sa kaniya na “pinagsabay” niya sina Rico at Raymart nang mga panahong iyon.
March 29 ng gabi ay labis daw na pinagsisihan ni Claudine dahil binlock daw niya ang cellphone number ni Rico nang tumatawag daw sa kaniya. Intentional daw na hindi niya sinagot ang tawag nito.
Nang tanungin ni Ogie kung feeling ba ni Claudine ay kasalanan niya ang nangyari kay Rico, iniisip na lang ni Claudine na palagay niya, iyon ang pinakamalaking dahilan ngayon ng “karma” niya.
Kung sinisisi man daw siya noon ng mga tao at halos ipako sa krus dahil siya ang itinuturong dahilan kung bakit namatay si Rico, “million times” daw ang nararamdaman niya.
Kaya ang pagsasalita at pagbubukas daw niya ngayon ay hindi panggagamit sa pangalan ni Rico kundi upang matuldukan na ang maraming haka-haka tungkol sa mga nangyari.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News ππ π₯ππ©ππ πππ‘π¨ππππ’π ππ‘π ππ‘π§ππ₯π§πππ‘π ππ‘π§ πͺπ’π₯ππ π ππ§ππ£π’π¦ π ππππ ππ‘ ππ‘π π£πππππππππππππ‘ π‘ππ‘π ππ¬πππ π£ππππππ ππ§ ππππ¨π₯ πππ₯ππ‘πππ/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the publicβs surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthdayβ€οΈNapa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load