Chie, nag-react sa pang-aasar sa ‘battle of starlets’ daw nila ni Dawn
Usap-usapan ang pagpalag ng Kapamilya actress na si Chie Filomeno tungkol sa komento ng isang netizen sa kaniyang TikTok video, kung saan makikita ang pagsayaw niya kasama ang isa pang dancer.
“I’m serious ,” mababasa sa caption ni Chie, na kung saan mapapanood naman sa video ang paghataw niya at pagpapakita ng malambot na pag-ikot ng balakang.
Sa comment section naman, marami ang bumanggit sa pangalan ng kamakailan lamang ay na-call out niyang si Dawn Chang, dating kasamahan sa girl group na “GirlTrends,” matapos ang naging pahayag niya sa panayam nina Stanley Chi at Anjo Yllana, patungkol sa isang nakaalitang aktres.
Pinalagan naman ito ni Chie at direktang sinita si Dawn.
Going back naman sa komento ng netizen sa TikTok video ni Chie, sabi ng basher, “battle of starlets daw yung sa x according sa reddit HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.”
Tugon naman ni Chie sa basher, “Oh tapos? Nakakabobo reddit. Go maniwala lang kayo sa mga post doon HAHAHAHA.”